top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

BFF na aktor, 'di raw manloloko… SIGAW NI JOHN: HIWALAYANG DEREK-ANDREA, MAY MATINDING DAHILAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2020
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 22, 2020




To the rescue si John Estrada sa BFF niyang si Derek Ramsay na kinukuyog ngayon ng mga bashers dahil sa breakup nila ng GF na si Andrea Torres.


Maraming masasakit na akusasyon ang ipinupukol ngayon kay Derek. Tinawag siyang playboy at manloloko. Hindi raw nakukuntento si Derek sa isang babae lang kaya papalit-palit ng karelasyon. Hindi naman daw pala seseryosohin at pakakasalan si Andrea ay pinaasa pa niya ito.


Walang kalaban-laban si Derek sa mga bashers na nagtatanggol at naaawa kay Andrea Torres. Kahit todo-paliwanag siya ng kanyang side ay walang gustong maniwala.


Pero si John Estrada na ilang taon na ring kaibigan ni Derek ay dinepensahan ang aktor. Hindi raw ganu'n kasama si Derek. Hindi raw nito ugali ang manakit ng damdamin ng babae at manloko. Maaaring may matinding dahilan daw kung bakit naghiwalay sina Andrea at Derek. At siya mismo ay nanghihinayang sa relasyon ng dalawa.


Ngunit wala siyang magawa dahil personal na bagay na 'yun. At kahit ano pa ang sabihin ng lahat kay Derek Ramsay, mananatili siyang kaibigan ng aktor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page