top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

BF sa dilim, ginagawa lang photographer ng aktres…DOMINIC, DATUNG LANG DAW ANG HABOL KAY BEA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2021
  • 3 min read

Updated: Jan 9, 2021

Julie Bonifacio - @Winner | January 5, 2021




Todo-lait ang inabot ni Dominic Roque sa mga netizens dahil lang sa simpleng comment niya sa ipinost ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram account kahapon.


Isang piktyur ni Bea na bahagyang nakalingon sa bintana habang nasa harap ng painting ng national artist na si BenCab sa loob ng kanyang museo located sa Baguio City ang ipinost ng aktres sa kanyang IG account.


"Let the sunshine in," panimulang sentence sa caption ng IG post ni Bea.


Inalala ni Bea ang mga kaganapan sa buhay niya last year. At ngayong 2021, may ibang pagtingin daw siya sa buhay.


"I have decided to embrace all the transitions meant to make me grow. I have decided to embrace my reality. I am letting the waves to take away all my worries, self doubt, and fears. I am releasing myself," mensahe pa ni Bea.


At sa huling part ng caption ni Bea, mas pipiliin daw niya na mas malapit at makilala pa nang husto ang Diyos.


"And though we live in a world where changes are meant to happen, may it be the weather, trends, prices, or even people; I am sure that I have a God whose love for me will never change. So, I am claiming that this year will be a more spiritual year for me. I am taking a step towards knowing HIM and letting HIM take control of my destiny."


Kinilig naman ang mga IG followers ni Bea sa comment ni Dominic sa post niya kung saan tinawag niyang "beautiful" ang Kapamilya actress.


Pero kung marami ang kinilig sa comment-post ni Dominic na "Hi, Beautiful," dinagsa rin siya ng panlalait at pamba-bash na mababasa sa mahigit 300 replies sa kanyang simpleng comment.


Binansagang "boyfriend sa dilim" ng mga netizens si Dominic. Panay no comment lang daw ang sagot nito kapag tinatanong siya sa relasyon niya kay Bea.


Dahil d'yan, ikinukumpara si Dominic sa bagong boyfriend ni Angelica Panganiban na kaibigan din ni Bea.


"Buti pa si Angelica (Panganiban), nakatagpo ng guwapo, matured at businessman na jowa, samantalang ikaw @beaalonzo, pabata nang pabata mga dyino-jowa mo na mukhang ikaw pa ang bubuhay @dominicroque."


"Baket? Sure ka ho ba na babae ang bubuhay sa lalaki? Hawak mo trabaho ni Papa D? Alam mo ho lahat? HAHAHAHAHAA," pagtatanggol naman ng isa kay Dominic.


"@dominicroque Papa Doms, ikaw kasi 'yung maunang umamin kasi ikaw ang lalaki. Yay, sana ol inlab."


Comment ng isang netizen, sablay na namam daw sa pagpili ng lalaki si Bea.


"New Year na, pumili-pili naman ng tamang lalaki, eh, mas malala pa 'yan kay Budoy (pangalan ni Gerald Anderson sa isa sa mga teleserye niya), eh!"


'Yung iba, tinawag naman na user si Dominic, pati na ang pamilya ng aktor.


"@dominicroque family user, makapag-post sa social media ang mga kapatid ng farm ni @beaalonzo, 'kala mo, sila may-ari. Tsk!"


"'Di naman guwapo 'yang user na linta na 'yan, nakita ko na 'yan nang personal, 'noh, bansot pa."


May nagtanggol naman na netizen kay Dominic sa usaping financial status niya.


"Mayaman na si @dominicroque kahit 'di mag-artista, kaya 'di siya palamunin. Gugustuhin mo bang papunta (mapunta) si @beaalonzo sa may anak na at mejo magulo ang life? 'Kala ko ba, fan ka ni Bea? Dapat mas gusto mong sa matinong lalaki siya, 'di ba?"


"Patawa, rich boy daw, sa condo lang naman nakatira! Tapos, minsan, kung kani-kanino pa nakikitira."


Ang tinutukoy ng netizen na may anak na at medyo magulo ang life ay ang kalabtim ni Bea na si John Lloyd Cruz.


"I hope no one even dare to say that Bea is still dependent of John Lloyd. Right now, John Lloyd needs her more. They work better together and probably, Bea's favorite leading man, but Bea also proved something in the time that John Lloyd left showbiz."


Bukod kay John Lloyd, may nagpasok naman ng pangalan ni Paulo Avelino.


"For me, my favorite leading man of hers is Paulo (Avelino). I feel more kilig and I don't know why, lol."


Nakakalurkey din ang mga netizens dahil pati ang pagiging magastos daw ni Bea, pinakialaman din nila, hah?


"Yup, magastos ang lifestyle ni Bea talaga. Si Gerald, mahilig mag-ipon at business-minded and masyado ring demanding 'yung nanay niya sa pera niya, at si Zanjoe, simple lang talaga at masaya na mamuhay sa isla.


"Si Roque naman, mahilig ding mag-travel kahit puro sponsor yata. Nakakapagtaka lang na starlet pero may ganu'ng lifestyle. Ayan, nabola niya si Bea Alonzo kaya bitbit na siya kung saan-saan at photographer ang peg na I'm sure naman, gustung-gusto niya, haha."


Natawa naman kami sa comment na 'to ng isa pang netizen, "Bakit kasi masyado kayong problemado, buti pa si @beaalonzo, chill lang."


Tamah!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page