BF reveal, Jake… KYLIE, PROUD NA IPINAKITA SA VIDEO ANG HUBAD NA LALAKING KATABI SA KAMA
Updated: May 28, 2024
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 27, 2024

May pa-soft launch si Kylie Verzosa ng kanyang boyfriend in her recent TikTok video.
Mapapanood sa nasabing video si Kylie in her bed wearing pajamas at tila kagigising lang, ni-lip sync ang kantang Espresso ni Sabrina Carpenter habang panay ang pa-cute sa camera.
Sa linyang, “Oh, he looks so cute wrapped around my finger,” ibinaling ni Kylie for a short moment ang camera sa tabi niya at makikita ang isang guy na nakahubad at nakadapang natutulog.
Pero seconds lang ito at ibinalik na niya ang camera sa kanya. But siyempre, hindi ito nakaligtas sa paningin ng mga netizens lalo na nga’t puwede namang i-pause ang video para makitang mabuti ang guy.
‘Yun nga lang, hindi kita ang mukha ng guy since nakadapa ito.
Bumaha agad ng komento sa comment section at panay ang tanong ng mga netizens kung sino ang guy. Ang dami ring kinilig sa post.
“Soft launching BF’s back (heart emoji),” komento ng isang netizen.
“Emil is the guy name (laughing emoji),” sabi naman ng isa pa.
“Ahhh, kinilig ako mga 1 second (yellow heart emoji),” sey naman ng isa pang TikTok user.
Matatandaang inamin na ni Kylie sa mga past interviews niya na may bago na siyang karelasyon ngayon matapos ang breakup nila ni Jake Cuenca in 2022.
Non-showbiz daw ang guy, pero hindi pa niya ito ipinapakilala formally sa publiko at wala pa siyang pa-face reveal ng bagong dyowa dahil aniya, gusto na muna niyang maging private ito.
“We both wanna keep it private, we both agreed we want it to be that way. I come from a different industry, he comes from a different industry. He respects mine and I respect his job. He’s very supportive of everything that I do,” pahayag ni Kylie sa interview ni Karen Davila kamakailan.





Comments