top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

BF ng anak, tanggap daw, pero… DENNIS, BINANTAAN SI GERALD NA 'WAG SASAKTAN SI JULIA

BULGAR
Apr 24, 2021
1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 24, 2021




March 5, 2021 nu'ng aminin ni Gerald Anderson sa publiko ang relasyon nila ni Julia Barretto.


Noong una'y ipinagkakatanggi-tanggi pa ng dalawa ang relasyon nila na nag-umpisa habang ginagawa nila ang pelikulang Between Maybes na ang location ay ginanap sa Subic, Zambales nu'ng taong 2019.


Umpisa pa lang ng relasyong Julia at Gerald, boto na raw ang komedyanteng ama ni Julia na si Dennis Padilla sa aktor at ito rin ang kanyang inamin sa isa niyang panayam dati na aprubado para sa kanya na maging boyfriend ng anak ang Kapamilya actor kahit na hindi pa ito ipinakikilala sa kanya ng anak.


Sa isang virtual interview kay Dennis ni MJ Marfori, TV5's showbiz news anchor, sinabi ng komedyante na madalas silang nag-uusap sa phone ni Julia at nababanggit nito ang pagiging malapit sa aktor.


Hindi naman daw nakikialam ang komedyante sa anumang desisyon ng anak pagdating sa personal na buhay. Basta't nakikita lang nitong masaya si Julia, inirerespeto't suportado nito ang mga desisyon ng anak.


Paliwanag ni Dennis, “Sa kanya naman 'yun, eh, kung masaya naman siya sa magiging buhay niya. Basta kung saan siya masaya, eh, doon ako masaya,”


Nang hingan ng mensahe si Dennis para kay Gerald, “Ang importante lang sa akin, eh, huwag lang sasaktan ang anak ko,” makahulugan nitong sagot.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page