top of page

BF na si Ruru, ‘di isinama… BIANCA, TODO-ENJOY NA MAG-ISANG NAG-MALLING AT NAG-SHOPPING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | February 6, 2026



Bianca Umali - Instagram

Photo: Bianca Umali - Instagram



Mukhang may mga gagaya kay Bianca Umali na i-date ang sarili dahil nainggit sa ‘me time’ nito na matagal na raw niyang hindi ginagawa. 


May nag-react lang sa comment ni Barbie Forteza na bet niya ang ginawa ni Bianca dahil kung titingnan, mas nauna siyang gawin ito.


Remember, mag-isang pumupunta si Barbie sa mga coffee shops for her coffee fix at ang kasama lang ay librong binabasa niya habang nagkakape. Nag-e-enjoy itong mag-isa at ‘yun din ang naramdaman ni Bianca na ang ginawa naman ay nag-malling, nag-shopping, nagpa-pedicure at manicure, nagpa-hair treatment, kumain ng lechon at marami pa siyang ginawa.





Nag-comment pa si Ruru Madrid na masarap daw sana kung nasamahan niya ito, pero may umaway sa kanya. 


Sabi ng umaway sa aktor, solo date nga, bakit siya sasama?

Hindi raw dapat laging kasama siya ng GF at nilektyuran siya nito na need daw ng babae mag-solo minsan para hindi feeling nasasakal.


Naging cause pa ng away ang comment na iyon na ang gusto lang namang tukuyin ni Bianca Umali ay nag-enjoy siya sa kanyang solo date.



MARAMI ang natuwa sa ibinalita ni Kris Aquino na balak niyang gumawa ng once-a-week sit-down interviews.


Comment ng mga netizens…  


“‘Yan na guyssss! Madaldal na ang queen!”

“So happy to see you in the pink of health.”

“So daldal na.”

“So happy, the beautiful is finally talking again.”

“Na-miss ko ‘tong kadaldalan n’ya na ‘to.”

“Happy to see you vlogging again.” “We miss the talkative Krissy.” 

“Excited for your comeback show.” 


Masaya ang marami na getting better si Kris at dasal ng lahat ang patuloy niyang paggaling hanggang maging normal na uli ang buhay niya. 


Nakaka-touched din ang paalala kay Kris na huwag siyang magpapagod nang husto at looking forward sila sa pagbabalik niya sa paggawa ng talk show.


May nagsabi naman na TV and media is not the same without her, kaya tuwang-tuwa sila na balak ni Kris na balikan ang trabahong minahal sa kanya ng tao. 


Ang ganda ng sinabi ng isa niyang fan na, “The world is better with Kris,” at sinang-ayunan ito ng marami.


‘Kaaliw din ang mga napa-throwback na binibili nila lahat ang ine-endorse at ipina-patronize ni Kris dahil alam nilang good quality ang mga ito. 


May nagtsika pa nga na until now, binibili pa rin niya ang laundry powder na si Kris ang unang endorser at ang brand ng wipes na siya rin ang unang endorser.


Isa pang ikinatuwa ng mga nagmamahal kay Kris ang comment nito sa Instagram (IG) post ni Alice Eduardo. Sabi kasi ni Kris, “Please message me when I can visit you after my birthday? I’ll make sure to go when I am well rested.”


Ang ibig sabihin daw nito, makakaya na ni Kris Aquino na siya naman ang bumisita sa mga kaibigan niya na siya dati ang binibisita. 


Ang dasal ng marami, tuluy-tuloy na ang paggaling niya para mas madalas na siyang mapanood.



PATI si Rita Avila ay inaaway ng mga fans ng ibang housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE2.0) dahil maka-Miguel Vergara raw siya at ikinakampanya niya ito para maging Big Winner.


May mga fans ng isang evicted housemate ang nagalit sa aktres dahil pinuna nito ang not-so-nice na ginawa ng former housemate kay Miguel. Hindi pa rin nagpapigil si Rita na ipahayag ang suporta kay Miguel.


Post niya, “Si Miguel lang naman talaga ang dahilan kung bakit ako nanood ng #PBBCollab2point0. Dahil bata pa s’ya ay artista na s’ya ng asawa kong director na si FM Reyes. Close kami sa kanila, pati sa mama n’ya noon pa.


“Pinagbibintangan ako ng mga hibang na clout chaser? Para ano? Para saan? 1986

artista na ako. Ngayong matanda na ako, hahanap ako ng clout sa PBB?


“Itong mga batang ‘to (alam n’yo kung sino kayo), bata pa nga kayo pero matuto kayo ng good manners and right conduct kaysa pagpapakita ng pangil n’yo na wala sa lugar ang inaatupag n’yo.”


Nababasa nga namin ang ilang mga comments ng basher ni Rita at natatawa kami sa mga mali nilang iniisip at kung anu-ano ang itinatawag sa aktres. 

Alam ni Rita na ang mga galit sa kanya ay mga fans ng mga housemates na hindi niya bet. 


Saka, hindi lang si Miguel ang bet ni Rita. Bet din niya sina Joaquin Arce, Lella Ford, Carmelle Collado, Heath Jornales at Caprice Cayetano. Pero si Miguel ang pinaka-bet niya sa lahat at walang masama rito dahil may kani-kanya tayong gusto.


And speaking of Rita Avila, back sa Kapamilya siya at kabilang sa cast ng Someone, Someday (SS) na first time pagsasamahan nina Kathryn Bernardo at James Reid.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page