BF na si Rico, todo-suporta… MARIS, PROUD NA KAKANTA NG DISNEY SONG
- BULGAR
- Dec 2, 2021
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 02, 2021

Kinumbinse ni Rico Blanco ang girlfriend na si Maris Racal na i-record sa Pinoy version ang Starting Now.
Si Maris ay may track titled Simulan na official anthem ng Disney’s Ultimate Princess Celebration.
Ang Starting Now na inawit ng Grammy-winning singer na si Brandy ay may highlights ng courage and kindness of Disney heroines.
Ini-release na ng Disney Music Asia ngayong buwan ang official lyric video ni Maris, ang Simulan.
“Super excited siya rito. Actually, he was the one who broke the news to me na ako 'yung kakanta for Disney. Kasi siyempre, siya po 'yung manager ng label [ko], so siya po 'yung kinontak,” lahad ng young actress-singer.
“He just really said na, 'Oh, my God, kunin mo na 'to. Ayusin mo 'yung schedule mo para ma-fit 'to.' He's been very, very supportive," dagdag pa ng girlfriend ni Rico.
"Hindi po ako makapaniwala. Talagang as in sobrang, 'Talaga ba? Ako?' 'Yun 'yung reaction ko. 'Yun 'yung exact reaction ko. 'Seryoso ba?' Parang medyo na-pressure nga ako mag-yes pero like nag-yes talaga ako kasi it's such a huge opportunity at dream ko talaga sila maka-work," masayang sabi pa nito.
Thankful si Maris dahil may isang Rico Blanco na dumating sa kanyang buhay na napaka-supportive raw lalo na sa kanyang singing career.
"Special po siya in a way na we really support each other sa career namin. I support him sa kung anong ginagawa niya ngayon, and at the same time, sinusuportahan niya rin ako at ine-encourage niya ako every time I feel reluctant to say yes sa mga projects,” pagmamalaki ni Maris sa boyfriend na bokalista ng Rivermaya.
“Tinutulungan niya ako sa ganu'ng department. And I think 'yun 'yung nagpapa-special nu'ng relationship namin kasi we bring each other up.”





Comments