BF na si Kiko, inagaw lang daw kay Devon... KAMPO NI HEAVEN, GALIT NA GALIT SA PATUTSADA NI DJ
DJ CHACHA NA 'WAG MASANAY SA PANG-AAGAW NG DYOWA
ni Nitz Miralles - @Bida | August 16, 2021

Nabuhay ang isyung “inagaw” ni Heaven Peralejo si Kiko Estrada sa ex nitong si Devon Seron dahil sa tweet ni DJ Chacha na: “Huwag ninyong kaugaliang mang-agaw ng jowa o makiepal sa relasyon ng iba. Makakasanayan n’yo ‘yan. Hanggang sa pagtanda, madadala n’yo ‘yang ugali na ‘yan.”
Nagalit ang mga fans nina Kiko at Heaven at binuweltahan si DJ Chacha kung bakit daw siya nakikialam sa relasyon ng iba.
Sagot naman ni DJ Chacha sa mga nag-react na fans, “Kapag walang name drop, ‘wag mag-assume na para sa ‘yo ang post. Kapag tinamaan ka, hindi na kasalanan ‘yun ng nag-post. Ibig sabihin nu’n, guilty ka. Ganoon lang ‘yun.”
Ang nabasa naman namin, break na sina Kiko at Devon bago niligawan ng aktor si Heaven at nagkataon na nagkainlaban na ang dalawa at na-fall out of love siya sa ex-GF.
‘Yun lang, hindi mapipigil ng dalawa ang reaction ng mga fans, lalo na ‘yung mga supporters nina Kiko at Devon at tinatawag ng kung anu-ano si Heaven.





Comments