BF na raw ang “the one”… JULIE ANNE, UMAMING PINAG-UUSAPAN NA NILA NI RAYVER ANG KASAL

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 15, 2024

Aminado si Julie Anne San Jose na pinag-uusapan na rin naman nila ng boyfriend na si Rayver Cruz ang kasal.
“Of course, we really do talk about it,” sey ng Asia’s Limitless Star sa panayam ni Nelson Canlas.
Pero at the same time ay marami pa rin naman daw silang pangarap individually at siyempre ay gusto raw muna nila itong matupad.
“Marami pa kaming mga pangarap individually but of course, being together, we also want to achieve those dreams together.
“Right now, we’re just not forcing things to happen and we’re not really rushing,” sey pa ni Julie Anne.
Inamin din ng aktres na si Rayver na ang “the one” for her.
“You date to marry, right? Ako naman kasi I’m the kind of person na kung sino man ‘yung ka-relationship ko or kung sino man ‘yung other half ko, siyempre, ‘yun ‘yung goal ko na gusto ko, s’ya na talaga,” aniya.
Bongga!
HINDI nakaiwas si Alden Richards sa pangangantiyaw ni Kim Chiu nang mag-guest siya sa It’s Showtime last Saturday.
Natanong kasi ang aktor ni Vhong Navarro kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon at sagot naman ng Asia’s Multimedia Star ay ang kanyang serye sa GMA-7 at ang shooting ng reunion film nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Again.
“Nag-start na rin po kaming mag-prepare para umalis papuntang Canada for Hello, Love Again,’” sey ni Alden.
Tinanong ulit ni Vhong kung paano naaasikaso ni Alden ang kanyang sarili sa gitna ng kanyang hectic schedule.
“Ang kailangan natin talaga, Kuya Vhong, minsan siyempre, kahit papaano, pero medyo mahirap palang makuha ngayon, ‘yung pahinga, pahinga lang. Pero nag-e-enjoy naman tayo sa ginagawa natin,” aniya.
Biglang hirit ni Kim na parang may ibig sabihin, “Pero parang may inspirasyon ka naman ngayon, Alden.”
Kitang-kita na parang kinilig naman ang aktor at medyo nahiya.
Sey ni Vhong, “‘Yun ang gusto kong malaman, eh.”
Sabi naman ni Kim, “Parang ‘yun talaga patutunguhan ng tanong ni Kuya Vhong.”
Sey ulit ni Vhong, “Saka wala kang pagod ‘pag nakikita mo ‘tong inspirasyon na ‘to.”
Tanong naman ni Kim kay Alden, “Meron ka bang message sa inspirasyon mo ngayon?”
Nagulat si Alden sa tanong ni Kim at nag-react ng, “Grabe naman ‘to!”
Obviously, ang iniisip ni Alden na inspirasyon ay si “you-know-who”.
Paliwanag naman ni Kimmy, “Puwede namang magulang, mga fans, ito namang si Alden, oh!”
Saka pa lang naintindihan ni Alden at sinagot na ang tanong ni Kim.
“Sa mga nagbibigay-inspirasyon sa ‘kin, maraming salamat sa inyo dahil kayo ang bumubuhay sa aking ginagawa at nag-e-enjoy naman ako siyempre, at least para makita naman at ma-proud sa ‘kin ‘yung mga taong 'to,” sabi ng aktor.
Well, sabi nga, action speaks louder than words. Ano’ng sey n’yo, mga Ka-BULGAR?





Comments