top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

BF mo, Maine, kahit wa' pa 'K'… ARJO, FIRST TIME PA LANG TUMAKBO, CONG. AGAD ANG TINARGET

BULGAR
Jul 1, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 01, 2021




Nagdeklara na nga at balitang-balita na ang planong pagtakbo ni Arjo Atayde bilang congressman sa 1st District ng Kyusi sa darating na 2022 elections. Suportado naman siya ng kanyang pamilya sa kanyang political career.


Well, ang tanong lang ng marami ay gaano ba ka-popular si Arjo Atayde at binalak niyang tumakbong congressman agad?


Hindi man lang daw ito dumaan muna sa pagiging konsehal para alam niya ang sistema ng local politics. Tiyak na hahanapan siya ng mga botante ng experience bilang public servant.


For sure, tutulong at susuporta naman kay Arjo ang GF niyang si Maine Mendoza, ganoon din ang kanyang mom na si Sylvia Sanchez at kapatid na si Ria Atayde.


Kung sa aspetong pinansiyal, tiyak na kakayanin ni Arjo ang gagastusin sa kampanya dahil may kaya ang kanyang pamilya. Ang kailangan na lang na paghandaan ni Arjo ay ang mga isyu at intrigang sasagupain niya sa political arena. Kayanin kaya ito ni Arjo Atayde?


Sabagay, kung sadyang nakatakda para sa pulitika ang isang tao, kahit baguhan at walang experience, lulusot at mananalo pa rin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page