BF mo, Kim, 'di na nakatiis… XIAN, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA PIKTYUR NILA NI BARBIE SA HOTEL
- BULGAR
- May 19, 2022
- 1 min read
ni Janiz Navida - @Showbiz Special | May 19, 2022

Nag-react-space-react na ang Kapuso actor na si Xian Lim kaugnay ng nag-viral at pinagpiyestahang picture nila ni Barbie Imperial na magkasama sa isang hotel sa Davao Oriental recently.
Bagama't nasa lobby lang naman ng hotel ang dalawa nang magpakuha ng picture at hindi naman sweet sa isa't isa, may ilang Marites na netizens na ginawang issue ang pagpapa-picture nina Xian at Barbie at nabuhay na ang mga espekulasyong may 'secret affair' ang BF ni Kim Chiu sa ex-GF ni Diego Loyzaga.
O, 'di ba? Ang layo na ng itinalon ni Batman?! Ay, ni Robin na pala! Char!
Anyway, sa isang recent interview, nilinaw na nga ni Xian Lim ang isyung ito sa kanila ni Barbie.
“Not guilty. 'Yun na lang,” ang unang sagot ni Xian na ayaw daw patulan ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie.
“Pero salamat sa lahat ng mga nagtanggol sa akin. I guess, the news is just absurd. Wala akong panahon para diyan. Sabi ko nga, boring ako na tao, nasa bahay lang ako, nagsusulat. Sa dami ng ginagawa ko, wala akong panahon para diyan,” dagdag ng Kapuso actor.
Pero may mensahe rin siya sa mga gumawa ng isyu sa kanila ni Barbie.
“Sa mga naniniwala, sa mga gustong bigyan ng kahulugan, kayo ay officially kasama na sa mga grupo ng Marites. Hahaha!” huling hirit ni Xian.
Oh, ha? So, kailangan pa bang marinig ang reaksiyon ni Kim Chiu? Wa' na morena, 'no?!





Comments