top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

BF, kaya raw binreyk… JANINE, AYAW KAY RAYVER NA GENTLEMAN, MAS GUSTO SI PAULO NA BRUSKO

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 8, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 08, 2022




Hanggang ngayon, marami pa rin ang hindi naniniwala na nagkabalikan na sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez.


Kahit na nga nag-effort pa raw si Rayver na muling suyuin si Janine upang maayos ang kanilang problema, mukhang hindi pa rin ito sapat at hindi na tulad ng dati ang kanilang relasyon.


At kahit may statement pa si Janine na handa niyang bigyan ng second chance si Rayver, still, iba ang kahulugan ng body language ni Janine sa kanyang mga posts sa social media.


Ang pagiging sobrang sweet ni Paulo Avelino sa kanya ay hindi na lamang para sa serye nilang Marry Me, Marry You. May nararamdamang kakaiba ang mga netizens sa closeness nina Janine at Paulo.


Mukhang may “something special” sa kanilang relasyon na ayaw pa nilang aminin.


Well, isang showbiz observer naman ang nagsasabing ang pagiging sobrang mabait, gentleman, straight at old-fashioned ni Rayver Cruz ay isang setback at minus factor sa relasyon nila ni Janine. Kaya, na-attract si Janine sa isang katulad ni Paulo Avelino na expert sa panliligaw at alam kung papaano susuyuin ang isang babae.


Bale ba'y brusko at malakas ang sex appeal ni Paulo kaya maraming babae ang napo-fall sa kanya. At mukhang ang mga katangiang ito ni Paulo ang nagustuhan ni Janine. Malabo na nga ang kanilang pagbabalikan ni Rayver.


Patunay nga nito ay hindi si Janine ang kasama ni Rayver noong New Year. Sa bahay ng kanyang Kuya Rodjun siya nag-Bagong Taon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page