BF, asang-asa sa suporta ng aktres… LIZA, NO SHOW SA PREMIERE NIGHT NG COMEBACK MOVIE NI ENRIQUE
- BULGAR
- Feb 15, 2024
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 15, 2024

Hindi nakarating si Liza Soberano sa premiere night ng comeback project ni Enrique Gil na ginanap last Feb. 13.
Honestly, we felt bad for Quen (Enrique) dahil asang-asa siya sa pagdating ni Liza at nabanggit pa nga niya ito sa amin nang makausap namin siya sa celebrity screening ng Hollywood film ng aktres na Lisa Frankenstein last week.
Proud pang sabi ni Quen sa amin, hopefully ay uuwi raw si Liza sa Pilipinas ng Feb. 13 at sinabihan nga raw niya ito na dumiretso agad sa premiere night pagdating.
Sa isang larawan na nakita namin ay may reserved seat pa si Liza sa cinema under her name.
Pero, kahit no show ang dating ka-love team sa premiere night ng kanyang movie ay naiintindihan naman daw ito ni Quen.
“It’s fine! I’m gonna have another screening with her. I know she’s really busy,” sey ni Quen sa panayam ng ABS-CBN hinggil sa hindi pagdalo ni Liza.
Heard na may kasabay ding event si Liza sa US kaya talagang imposibleng makadalo ito sa premiere night ng movie ni Quen at alam din naman daw ito ng aktor.





Comments