Benepisyo at loans, apektado sa pagkaantala ng SSS new contribution rate
- BULGAR

- Jan 27, 2021
- 2 min read
ni Fely Ng - @Bulgarific | January 27, 2021

Good vibes, Bulgarians! Isang matapang na desisyon ang ginawa ng Social Security System (SSS) ng umapela kamakailan sa House of Representatives para sa panukalang hakbang na, ipagpaliban ang pagtaas ng rate ng kontribusyon na naka-iskedyul para sa taong ito.
Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, sa hearing ng House Committee on Government Enterprises and Privatization na pinamunuan ni Parañaque Rep. Eric L. Olivarez, hinimok ang mga mambabatas na isaalang-alang ang mga epekto ng pagkaantala ng naka-iskedyul na pagtaas ng kontribusyon sa mga benepisyo na mga miyembro, pensioners at kanilang mga beneficiaries.
Ipinaliwanag ni Ignacio, na ang mga probisyon ng ipinanukalang mga batas na nakapaloob sa House bills 8304, 8310, 8313, 8315, and 8317 ang magpapahina sa pondo ng SSS sa panahong ito.
“At the outset, we have expressed our opposition to these proposals because of its adverse financial impact to the financial health of the SSS and jeopardize the benefits of members, pensioners and their beneficiaries. However, we support any measures that will benefit our stakeholders as long as it will prioritize the long-term sustainability of the pension fund,” pahayag ni Ignacio.
Binigyang-diin ni Ignacio na ang karagdagang kontribusyon ay depende sa minimum salary credit category ng miyembro, ang buwanang rate increase ay nasa P15 hanggang P100 para sa mga employed members; at P30 hanggang P200 para naman sa mga self-employed at voluntary members. Samantalang ang mga Overseas Filipino worker (OFW) ay may pagtaas ng P80 hanggang P200.
Ipinaliwanag din ng SSS official na ang pag-postpone sa contribution hike ang magiging dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga benefits at loans na maaaring maibigay sa milyun-milyong miyembro nito.
“We estimated a projected loss amounting to P41.37 billion for 2021 alone and this amount will also continue to increase annually, cutting short the SSS fund life and adding to the contingent liability of the pension fund which is already estimated in the trillions of pesos. We also understand that we are currently in a pandemic situation, but we are appealing to lawmakers to look into the significance and long-term impact of adjusting the SSS contributions for its 38.8 million current members and future members as well,” dagdag ni Ignacio.





Comments