BELA, BINURA SI KIM SA PIKTYUR KASAMA SI ANGELICA
- BULGAR
- Nov 8, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | November 8, 2023

Hindi nakasama si Bela Padilla sa birthday celebration ng kaibigang si Angelica Panganiban with Kim Chiu dahil nasa London pa rin siya.
Last November 4 ang 37th birthday celebration ni Angge with family and friends.
Sa mga larawang ipinost ng aktres ay namaalam na siya bilang Ms. Panganiban.
Aniya, "Nagpapasalamat ako sa mga kaibigang dumating sa aking birthday. Ito na ang last celebration ko bilang Ms. Panganiban."
And then, may separate celebration naman sila ni Kim na dapat ay kasama si Bela. Sila kasi ang magbe-best friends na may acronym na AngBeKi.
Nag-post ng heartfelt birthday message si Bela sa kaibigan.

Aniya, "Dahil na-solo ka ni @chinitaprincess today, at nakaramdam ako ng matinding FOMO [fear of missing out], in-edit out ko na muna siya.
"I miss you Momsyyyy specially on your special day dahil alam kong masayang-masaya kaaaa!
In life, everyone needs an Angelica – kind, thoughtful (nu'ng first time ko nagka-COVID, nag-iiwan 'to ng regalo sa pinto ko), strong, wise and always ready to pick up when you need sound advice.
“Sana nag-enjoy kayo nila Kimmyyyy.”
Nag-iwan naman ng sweet reply si Angge, “What a tribute, hahahaha. Love you Momsy forever!!”
“Love you Momsyyyy!” reply uli ng aktres-direktor.





Comments