Beermen niresbakan ang Tropang 5G sa Game 2 Finals
- BULGAR

- 4 minutes ago
- 1 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | January 24, 2026

Photo: Lakas loob na harapang tumirada ng pagbasket si San Miguel Beermen Miguel Tiongson na hindi naging sagabal sa kanya ang depensa ni Jp Erram ng Talk N Text Tropang 5G sa maaksyong tagpo nila ng PBA Philippine Cup finals Game 2 best of seven series sa Ynares Center, Antipolo City. (Reymundo Nillama)
Laro ngayong Linggo - MOA
7:30 PM TNT vs. SMB
Bumalik ang bagsik ng defending champion San Miguel Beermen sa tamang panahon at tinalo ang naghahamon TNT Tropang 5G, 111-92, sa Game Two ng 2025-26 PBA Philippine Cup Finals Biyernes ng gabi sa Ynares Center Antipolo. Tabla na ang seryeng best-of-seven sa 1-1.
Dumaan sa maagang pagsubok ang SMB at apat na minuto pa lang ang lumipas ay napilitan umupo si CJay Perez dahil sa pangatlong foul. Kahit wala siya ay humataw ang Beermen at itinala ang huling 13 puntos ng pangalawang quarter, 57-33.
Matalinong inalagaan ng SMB ang bentahe sa gitna ng mga banta ng Tropa. Lumapit ng TNT, 87-97, sa likod ni Kevin Ferrer subalit kulang ang nalalabing dalawang minuto.
Pinalitan ni Don Trollano ang problemadong si Perez at gumawa agad ng 12 tungo sa kabuuang 22. Double-double si June Mar Fajardo na 17 at 16 rebound.
Nanguna sa TNT si Rey Nambatac na may 17. Sumunod si Brandon Ganuelas-Rosser na may 15.
Ang Game Three ay lilipat sa MOA Arena ngayong Linggo. Doon din gaganapin ang Game Four at ang pagkilala sa Best Player of the Conference. (A. Servinio)








Comments