Australia binigyan ng mabigat na laban ang Gilas sa FIBA q'fiers
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | March 1, 2026

Photo: Matinding opensa ang ginawa ni Justin Brownlee upang hindi mapigilan sa dobleng depensa nina Sam Frolong at Elija Pepper ng Australia sa kainitan ng aksyon sa FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers sa Mall of Asia Arena, Pasay City, Linggo ng gabi. (Reymundo Nillama)
Masyadong mabigat ang bisitang Australia at nagwagi sa Gilas Pilipinas, 93-66, sa FIBA World Cup Qatar 2027 Asian Qualifiers Linggo ng gabi sa MOA. Nanatiling perpekto ang Boomers sa Grupo A sa apat na laro.
Tuluyang lumayo ang Australia mula sa 38-33 bentahe matapos ang dalawang quarter. Lumaki ito sa 88-59 bago ang huling tatlong minuto matapos ang magkasunod na tres nina dating NBA player Mitch Creek at Tom Wilson.
Huling hinawakan ng Gilas ang lamang, 13-12, sa shoot ni Quentin Millora-Brown. Subalit nabawi ito ng mga free throw ni Isaac White para isara ang unang quarter, 14-13, at hindi na sila lumingon.
Umanghang si Elijah Pepper para sa limang three-points patungong 28 puntos. Sumuporta si Tanner Krebs na may 18 at Creek na may 13. Bumawi si Justin Brownlee at nagbagsak ng 20.
Sumunod si Millora-Brown na may 11 at walang ibang kakampi ang naka-10. Sa naunang laro, humabol ang Tsina upang mabigo ang Chinese-Taipei, 100-93.
Nanguna sina Zhu Junlong na may 19 at Zhao Jiwei na may 13. Susunod na lalakbay ang Gilas para sa pangalawang laro kontra Aotearoa New Zealand sa Hulyo 3.
Matapos nito ay dadalawin nila ang Boomers sa Hulyo 6. Sa ibang mga laro, nanaig ang New Zealand sa kulelat Guam, 99-67. Panalo ang Japan sa Timog Korea, 78-72.




Comments