Bebot, natagpuang patay sa abandonadong bahay

ni Justine Berganio @Overseas News | September 13, 2026

Photo: Tasia Fortune - ABC News - Circulated
Timbog ang isang 51-anyos na lalaki kaugnay ng pagkamatay ni Tasia Fortune, na natagpuang patay sa isang abandonadong bahay sa Jackson, Mississippi, noong Agosto.
Ayon kay Jackson Police Chief RaShall Brackney, kinumpirma ng medical examiner na homicide ang sanhi ng pagkamatay ni Fortune at isasampa ang murder charge laban kay Jarques Ratliff.
May “association” umano sina Ratliff at Fortune, pero hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang pulisya. Patuloy pa ang imbestigasyon at posible pang magkaroon ng dagdag na aresto matapos makapanayam ang 15 katao.
Nagdulot ng pangamba sa komunidad ang kaso dahil sa kasaysayan ng racial violence at lynching sa Mississippi. Mahigit 50 miyembro ng US Congress ang nanawagan din sa FBI at Justice Department para sa independent investigation sa mga ulat ng mga Black Americans na natagpuang nakabigti.
Ayon sa kanila, hindi bababa sa 10 Black people ang naiulat na nasawi sa ganitong insidente ngayong taon, habang mahigit 70 lynchings ang naitala mula 2000 hanggang 2025.





Comments