top of page

Beauty queen, si Troy naman ang BF… AGA, SI POPS ANG GF NOON, KAY CHARLENE NAGPAKASAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 4, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 04 , 2021




Sa pagkakaalam namin noon, si Pops Fernandez ang GF ni Aga Muhlach bago nagpakasal ang aktor kay Charlene Gonzales.


Mismong ang yumaong veteran actress na si Amalia Fuentes ang nagsabing madalas daw na ipasyal ni Aga sa resort niya sa Batangas si Pops. Naipakilala na rin daw ni Aga si Pops sa kanyang Tita Nena (Amalia).


At that time, si Troy Montero ang alam ng lahat na BF ni Charlene. Kaya, labis na ikinagulat ng lahat nang bigla ay sina Aga at Charlene ang nagpakasal.


Walang narinig na reaction at pagtutol kina Pops at Troy kung bakit nagkaroon ng changing partner.


Ang ipinagtataka lang ng marami ay hindi naibalita sa mga talk shows at maging sa mga tabloids na nanliligaw si Aga kay Charlene. Ang alam ng publiko ay parehong may kani-kanyang karelasyon noon sina Aga at Charlene. Tapos, bigla silang nagpakasal.


Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page