BEAUTY, MAKEUP ARTIST AT STYLIST ANG MISTER
- BULGAR
- Sep 6, 2023
- 1 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 6, 2023

Ang sweet talaga ni Beauty Gonzales-Crisologo sa asawa niya dahil kahit may trabaho siya ay nagawa pa rin niyang mag-post ng mensahe para sa asawang si Norman Crisologo.
Noong isang araw, habang nasa shooting si Beauty para sa pelikulang (K)Ampon na entry ngayong Metro Manila Film Festival ay ipinost niya sa kanyang Instagram account ang larawan nila ni Norman na makikitang nakasuot siya ng swimwear at nakakandong sa asawa.
Ang caption ng aktres: “Many, many years ago today, you first held my hands and for better or for worse, for richer or poorer, in sickness and in health, you’ve never let it go. (emoji heart)“We’ve been through it all, haven’t we? And at the end of each day, we have giggles and cuddles about anything and everything.
“Thank you for this journey, thank you for making my life beautiful and most of all, thank you for being you. (emoji heart)
“We’ve only just begun.”
Maraming netizens ang natuwa sa post na ito ni Beauty at lahat ay pinusuan ito.
Matatandaang noong May, 2017 ay ikinasal sina Beauty at Norman sa Tagaytay, at taong 2016 naman niya ipinanganak si Olivia na ngayon ay pitong taong gulang na.
Sa mga panayam ni Beauty ay parati niyang ipinagmamalaki na si Norman ang compass ng buhay niya at ito rin minsan ang kanyang makeup artist at stylist dahil mas magaling ang taste nito sa pagpili ng mga damit na isusuot niya.
Kaya naman, maraming netizens ang nagsabing, “Sana all”.





Comments