top of page
Search
  • BULGAR

Bea, umaming 'di pa game magpakasal kay Dominic

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 20, 2021





Bilang treat sa kanyang mga fans and subscribers sa YouTube ay gumawa ng birthday vlog si Bea Alonzo na in-upload niya sa mismong kaarawan niya, Oct. 17.


Star-studded ang vlog dahil bumati at nagtanong ng 1 question ang mga kasamahan niyang artista tulad nina Judy Ann Santos, Alden Richards, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Ormoc Mayor Richard Gomez, Andi Eigenmann, Ian Veneracion, Jessica Soho, Pokwang, Mimiyuuuh, Enchong Dee, Dimples Romana, Bea Saw at siyempre, hindi puwedeng mawala ang boyfriend niyang si Dominic Roque.


Pati ang mga Kapamilya at Kapuso bosses ay join din tulad nina Carlo Katigbak na CEO ng ABS-CBN, Johnny Manahan at Gigi Lara ng GMA-7.


Aliw ang tanong ni Mr. M na “Bakit ka lumipat?” na sinagot naman ni Bea ng “Para namang hindi mo alam bakit ako lumipat” at seryosong sinabi na hindi raw siyempre madali at ilang buwan niyang pinag-isipan. But she took the risk dahil feeling daw niya ay ready na siya for change.


Tinanong naman ni Goma kung kailan siya mag-aasawa at sagot ng aktres, “Not anytime soon. I still have a lot of work to do, ang dami ko pang gustong gawin and tama ka, I’m not getting any younger, I’m 34 years old.”


Dagdag niya, naniniwala siyang may sarili siyang timeline at happy naman siya na naiintindihan ito ni Dominic.


“Frankly, I’m not there yet, I’m not ready yet, and I’m just very happy that Dom knows that and that we have an understanding. Take it one day at a time.


“Right now, I’m very, very happy and I know that when the time comes, in God’s perfect time, I will be happier, even happier to have my own family,” sabi ni Bea.


Sa tanong kung ano ang learnings niya ngayong 2021, binanggit niya ang kanyang paglipat sa GMA-7 at ang pagpasok sa bagong relasyon kay Dominic.


“Without taking risks, there’s no growth. And I took such big risks this year, and I feel like ang dami ring bumalik sa akin in a sense. Parang feeling ko, I gained confidence of being able to take control of my life and make big decisions for myself.


“Hindi lang ito sa aspeto ng career, ha, also about falling in love with Dom and you know, being able to entrust someone with my heart again,” sey ng aktres.


Tinanong naman ni Jessica kung happy ba siya ngayon at sey niya, “Yes, I’m very, very happy right now. How happy? Like enormously happy. Parang I guess, sa buhay ko, ito na ‘yung pinaka-okay ako. I’m sure about myself, I’m sure about my decision, I know I am loved and I love myself. Pinakamasaya.”


Finale naman si Dominic na nagbigay ng message at nagtanong din.


“Hi hun, happy, happy birthday. Let’s enjoy your special day sa isang paraiso at mahal na mahal kita,” mensahe ni Dom.


Ang tanong ng aktor ay kung ano ang top 3 sa bucket list ni Bea na gusto nitong gawin or puntahan with him.


Sagot naman ni Bea, “Hun, thank you for the question and I love you. I can’t wait to be in paradise with you soon, at the beach.”


Sa bucket list naman with Dom, ani Bea, “To go to Switzerland with you, and second siguro, mag-road trip pero naka-motor naman. Somewhere in Europe rin, sana Italy, ganyan.”


Nasa bucket list din daw niya na mag-paragliding with Dominic at gayahin si Yoon Seri (Son Ye Jin) sa hit Korean drama na Crash Landing On You.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page