BEA, NAGBUYANGYANG, NAGMUKHANG STARLET
- BULGAR
- Nov 25, 2021
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 25, 2021

Inilabas na ang mga photos ni Bea Alonzo bilang bagong Calendar Girl ng Tanduay. Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkadisgusto sa mga kuhang seksing larawan ng aktres.
Tanong pa nga ng mga ito, "Bakit pumayag siyang maging Calendar Girl ng isang inumin?
Hindi naman na niya dapat pang ibuyangyang ang kanyang sarili dahil made na siya at may malaking pangalan na sa industriya."
Nagmukha raw tuloy starlet ang aktres.
Heto naman ang ibang komento ng mga netizens.
"Ngayon lang 'di starlet 'yung kinuha ng Tanduay."
"Wala bang age limit itey?"
"Ano ang laban ng “FRESH DAW” sa BEAutifully aging woman, aberrrrr?????"
Isang netizen naman ang gustong bigyan ng pambalot ang aktres sa kanyang nakabuyangyang na katawan.
"Eto kumot, Bea, ohhh!"
"What REAL WOMAN looks like!"
"I'm all for praising and appreciating Bea. I agree na she's hot and sexy pero this comment is so wrong. Any woman in any shape, size, color is a real woman."
"Ang ganda ng photos pero for Tanduay? Ah…"
"Maganda siya pero 'di ko like 'yung pagkakakuha."
"Ngayon lang ako hindi agree sa kinuhang model ng Tanduay. Ipinilit?"
"Agree, ang pilit."
"Hayaan na lang natin, Mars. Now lang din kasi siya pumayat ng ganyan para pumasa na as Tanduay Calendar Girl."
"Instantly naging sosyal nga ang Tanduay, haha! Hindi cheap 'yung model."
"Tanduay Tanders edition."
"Compared naman sa mga 20ish na nag-model na, Bea is too old. Actually, asawahin age na siya."
"Naging Ivana ang aura. Downgrade si Tita B!"
May nagsasabi namang, "It’s all makeup, filter and Photoshop, baks. You are easily fooled."
"Lawlaw na 'yung balat."
"2nd and last photo, bet. 'Yung 1 and 3rd, chaka, cheapipay ang dating."
"Sorry sa mga faney ni Bea, mas hot & fierce pa rin 'yung kay Ivana & Barbie."
"Anyare bakit biglang naging sexy star si Mareng Bea?"
"I think endorsing a cheap alcoholic drink wearing a bikini in a calendar is beneath her. More on sa mga up and coming starlets ang ganito na gustong mapansin who will take any paid gigs."
Well, maganda naman ang mga kuhang larawan ni Bea, pero sa tingin nga ng mga netizens ay parang downgrade ito sa aktres dahil at her age, dapat ay hindi na niya tinatanggap ang ganyang klaseng proyekto dahil wala na siyang dapat pang patunayan.
'Wag na rin daw ikumpara si Bea sa mga dating naging CG like Marian Rivera, Anne Curtis, Angelica Panganiban, Heart Evangelista at Angel Locsin dahil ang mga ito ay naging CG nu'ng nasa 20s pa lang sila.
Matured naman na raw si Bea at may sarili na ring disposisyon sa buhay. Alam na raw naman nito kung ikabubuti ba ng kanyang career ang tawaging sexy star o starlet kesa sa mahusay na artista.





Comments