top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

BEA, NADIDIKTAHAN KAYA URONG-SULONG KAY DOMINIC

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 8, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 8, 2024



Photo: Bea Alonzo / FB



Hindi man inaamin nina Dominic Roque at Bea Alonzo ang kanilang real status sa ngayon, marami naman ang natutuwa dahil nagkikita at nagkakausap na raw uli ang dalawa. Nararamdaman ng mga tao sa kanilang paligid na may balikang magaganap. 


Ayon pa sa mga fans ng BeaDom, okay sa kanila kung ayaw munang maglabas ng statement nina Dominic at Bea. Ang importante ay may open communication at inaayos nila ang kanilang problema. 


Hindi na inaasahan ng lahat na may magaganap pang kasalan. Sapat nang maibalik ang kanilang pagkakaibigan. Dapat nilang pag-usapan ang mga aspeto ng kanilang relasyon na hindi mapagkasunduan upang wala silang sisihan at sumbatan.


Well, sa tingin naman namin ay seryoso si Dominic sa kanilang relasyon ni Bea at handa na siyang bumuo ng sariling pamilya. 


Si Bea na lamang ang dapat na pumili kung ano ang prayoridad niya sa buhay at kung ibibigay niya nang buong-buo ang tiwala niya kay Dominic. 


'Wag niyang hayaang may makialam sa kanilang relasyon at magdikta sa kanyang love life kung gusto niyang magkaroon ng panghabambuhay na relasyon. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page