top of page
Search
  • BULGAR

BEA, MALABO PA ANG KASAL KAY DOMINIC SA 2024

ni Julie Bonifacio @Winner | November 20, 2023



Malabo pang magpakasal si Bea Alonzo sa kanyang fiancé na si Dominic Roque next year.


Marami kasi ang nagsasabi na early 2024 na ang inaabangang kasalan nina Bea at Dominic.


Pagkatapos mag-propose ni Dominic kay Bea sa Las Casas Filipinas de Acuzar last July 18, may mga tsikang isa si Bea sa mga big celebrities na magpapakasal sa first half ng 2024.


Bukod kasi kay Bea, malakas ang hinala ng mga Marites sa socmed na magaganap ang kasalang Angelica Panganiban at Gregg Homan on May, 2024.


Tiniyak naman ng aming source na walang kasalang magaganap kina Bea at Dominic early 2024. May mga nakaabang pa raw kasi na projects kay Bea especially sa GMA-7.


Hindi pa man natatapos ang serye ni Bea kasama si Dennis Trillo, may pinaplano na ang Kapuso Network na kasunod na show ng aktres.


Kinlaro rin ng aming source ang tsikang nagli-live-in na sa apartment ni Bea sa Madrid, Spain ang aktres at si Dominic.


Nire-renovate pa lang daw ang apartment ni Bea sa Madrid at ‘di pa kering tirahan.


In fact, nu’ng huling punta nina Bea at Dom sa Spain kung saan nabalitang nagli-live-in na sila ay sa hotel tumuloy ang magdyowa.


Pero possible raw na piliin nina Bea at Dominic ang mag-settle na sa Madrid at magkaroon ng private life doon with their future kids.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page