BEA, HANGGANG SA PAGLULUTO, MAY MGA HUGOT KAY GERALD
ni Nitz Miralles - @Bida | April 27, 2021

'Aliw panoorin ang vlog ni Bea Alonzo na nagluto siya ng Ube Turon with Langka ala mode dahil sa mga side comments niya gaya ng “Turon the boys I’ve loved before, chos,” saka sinundan ng ngiti.
Habang piniprito ang turon, may nabanggit si Bea na “Isinalang na namin siya under medium heat kasi kailangan talaga, kumukulo 'yung mantika katulad ng dugo kapag....”
Hindi na itinuloy ni Bea ang sasabihin, pero naniniwala ang mga nakapanood ng kanyang vlog na may gusto siyang pangalang banggitin na nagpakulo o nagpapakulo ng kanyang dugo, sino pa ba kundi si Gerald Anderson?
Sabi ng mga netizens, maganda na rin na hindi itinuloy ni Bea ang pagbanggit ng pangalan para walang isyu.
Napansin namin, kahit alam ng mga fans ng aktres na nasa ‘dating stage” sina Bea at Dominic Roque, marami pa rin ang shippers ng Bea-John Lloyd Cruz love team, lalo na ngayong malabo nang magkabalikan sina John Lloyd at Ellen Adarna.
Wish ng mga fans na in the end, sina Bea at John Lloyd pa rin.





Comments