BEA, 'DI NA ULI PINAPIRMA NG KONTRATA NG SIYETE
Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | April 27, 2021

Kumpirmado nang hindi na nga ni-renew ng GMA Network ang kontrata ng Kapuso actress na si Bea Binene.
Mismong ang aktres ang nagsabing tapos na ang kanyang kontrata sa GMA-7. Ang huli niyang serye rito ay ang Beautiful Justice kasama sina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia at Valeen Montenegro.
Ang talent search show na StarStruck Kids ang naging daan upang makapasok sa showbiz si Bea. At hanggang nang maging teen-ager na siya ay hindi nawalan ng mga shows na kanyang pinagbidahan.
Sa GMA Network nahasa nang husto ang kanyang kaalaman sa pag-arte. Kaya naman, tumatanaw siya ng malaking utang na loob sa Kapuso Network. At kahit na raw wala na siyang existing contract ngayon sa GMA-7 ay wala siyang planong lumipat sa ibang network. Itinuturing pa rin niyang Kapuso ang kanyang sarili.
Para may mapagkaabalahang gawin ay magpapatuloy si Bea ng kanyang pag-aaral. Tututukan din niya ang binuksang negosyo, ang Mix n Brew Café.
Say naman ng ilang showbiz observers, puwedeng i-build-up si Bea bilang field reporter at dito na siya luminya, tutal naman ay nasanay na siya sa Good News kasama si Kara David.
Co-host din siya ni Arnell Ignacio sa programang Oh My Job na napapanood tuwing Sabado sa GMA-7.





kaya dapat par ahindi mag slow down ang career, malambing at taking care mga fans at magrecruit ng active and dedicated members and admins. kailangan mabait at alagain niya ang fans club. maraming competition sa mga gma artista kaya always alert and take care ang mga fans club. dapat kapang wala fans base ang artista ang network sigurado walang gana. nakikita ko marami sa mga artista ay hindi nila pinapansin ang mg afans club at ignored bale wala.