top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

BEA AT DOMINIC, MAGLI-LIVE-IN SA MADRID, SPAIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 7, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 7, 2023


Bago lumipad si Bea Alonzo patungong Spain ay nagawa pa niyang mag-vlog.


Habang nag-eempake ng mga dadalhin sa biyahe ay ishinare ni Bea kung paano siya mag-organize ng mga gamit.


Patungong Spain ang actress dahil makukuha na ang kanyang residency card doon.


Twenty days daw siyang maninirahan doon at sa nabili niyang house siya mag-i-stay kaya raw may dala siyang towel.


Ito raw ang unang pagkakataon na matitirahan niya ang biniling bahay sa Madrid, Spain.


Aniya pa, ita-try niyang mag-house tour sa nabiling property.


Kasama umano ng aktres ang fiancé na si Dominic Roque sa kanyang trip to Europe.

Nag-react naman ang mga Marites…


"Hindi kaya mauna ang honeymoon sa kasal nila?"


"Twenty days? Marami nang mangyayari sa 20 days na ‘yun!"


Komento naman ng isa, "Baka trial marriage muna para tuluyan nilang makilala ang isa't isa."


"Titira sila sa iisang bubong, ‘di ba parang nag-live-in na sila roon?"


O, ‘di ba? Ang advanced mag-isip ng mga Marites!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page