top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

BEA AT DOMINIC, HIRAP NA HIRAP MAGBAWAS NG GUEST SA KASAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 4, 2023



Nasa paglilista na yata ng guest list para sa kanilang kasal si Bea Alonzo at ang fiancé niyang si Dominic Roque. Sa kanyang bagong vlog, nabanggit ni Bea na parang hindi matutupad ang gusto niyang intimate wedding sa dami ng kaibigan nila ni Dominic na gusto nilang maging part ng kanilang kasal.


Nabanggit din ni Bea sa vlog na hindi na nila masyadong patatagalin ang kasal dahil plano na nilang magkaroon ng pamilya. Saka, humihingi na ng apo ang mom ni Bea at ganu’n din ang parents ni Dominic.


Aabangan pa natin ang announcement ng napili nila ni Dominic na godparents, wedding entourage at kung sino ang gagawa ng wedding gown ni Bea. Of course, inaabangan din kung saan gagawin ang kasal.


Next year pa naman ang kasal nina Bea at Dominic at habang nasa wedding planning stage, tuloy muna sa kani-kanyang trabaho ang engaged couple. Si Bea, tuloy sa pagiging judge sa Battle of the Judges at this September din ang world premiere ng drama series nila ni Dennis Trillo na Love Before Sunrise.


Nabanggit ni Bea na magsu-shoot sila sa Canada, pero hindi pa sila nakakaalis.


Inilabas na ang initial poster ng series at mga behind-the-scenes ng mga kinunang eksena ni Director Mark dela Cruz.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page