Bb. Pilipinas-Universe 1982, pinaalis noon sa upuan, banned pa… ISABEL, INISNAB ANG 60TH ANNIV NG BB. PILIPINAS
- BULGAR

- Jul 10, 2024
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 10, 2024

Inisnab ni dating Binibining Pilipinas Universe 1982 Maria Isabel Lopez ang selebrasyon ng Binibining Pilipinas para sa ika-60 taon nito during the coronation ng Stella Marquez-Araneta (SMA) beauty contest franchise last Sunday.
Nakakalurky kasi natatandaan namin noon na isang malaking isyu ang pagba-ban kay Isabel ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) sa mga events nila.
At may eksena pang nasa venue si Isabel para sa grand coronation night, pilit pa siyang pinaaalis sa kanyang upuan at pinapalabas sa Araneta Coliseum.
But that was long time ago, kaya siguro okey na sa BPCI na imbitahan si Isabel lalo pa nga’t ipinagdiriwang nila ang ika-anim na dekada ng Binibining Pilipinas.
Nagulat siyempre pa si Isabel nu’ng makatanggap siya ng imbitasyon mula sa BPCI headed by Stella Marquez-Araneta.
Sad to say, si Isabel naman ang ‘di puwedeng mag-join sa celebration dahil nasa US ang dating Bb. Pilipinas-Universe. May prior commitment siya sa California, USA.
Performer si Isabel sa isang fundraising event sa California kung saan nagsayaw siya ng
Banga dance na pamoso sa mga taga-Cordillera rito sa atin.
Bukod d’yan, padating din daw ang anak niyang lalaki sa US.
“I feel very honored that after ghosting me for decades, they finally invited me to grace the 60th year. When they called me, I was shocked and I told them SMA (Stella Marquez Araneta) will not want my presence there. But Liliana (Soriano) of BPCI told me to forget the past. Let bygones be bygones,” pahayag ni Isabel sa isang interbyu.
Ikinuwento rin ni Isabel kung ano talaga ang nangyari sa kanya noong na-banned siya sa Binibining Pilipinas.
“Gloria Diaz gave me (invitation) and when she (SMA) found out I was there, inutusan n’ya ang security na paalisin ako sa upuan ko. But I stood my ground and was able to watch the pageant.
“Tinarayan pa ako ng late Bb. Myrna Borromeo. ‘Ikaw naman kasi - you have to wait to be invited!’ Since then, I never attended the coronation nights,” paglalahad pa ni Isabel.
NAGBIGAY ng kanilang opinyon ang P-Pop male group ng AQ Prime Music, ang BILIB, sa nangyari sa ilang BINI members regarding their “private space.”
Halos lahat ng members ng BILIB ay umaayon na dapat may limitasyon at irespeto ng fans ang private space ng mga artists.
Ayon kay Rafael, “Always naman po siguro na dapat may boundaries kasi may sari-sarili naman po tayong life.”
There’s always a right time raw para sa lahat ng bagay.
Hirit ni Clyde, “And for us po kasi, as an artist, as much as possible we want to connect with our fans and interact with them, pero siguro, it’s normal to have our limitations and boundaries.
“And I think, ‘yun po ‘yung dapat i-respect ng mga tao na each one of us have boundaries and personal spaces na dapat inirerespeto.
"Gusto pa rin naman namin po silang maka-bond at ngayon po na starting pa lang kami, lahat po ng fans namin, ginagawa po namin ang lahat na makakonek sa kanila through social media and sa event po. Kaya rin po siguro for now, respect na lang po ‘yung boundaries po.”
Dinepensahan naman ni JMAC ang mga fans ng BILIB.
“‘Yung mga fans din po, alam nila ‘yung mga boundaries and how to respect our private lives po. Kaya hindi po kami sa ngayon nagwo-worry na dumating kami sa point na ini-invade na nila ang private life,” pahayag ni JMAC.
Dagdag pa niya, “Actually, ‘di naman po talaga mapipigilan ‘yung mga ganu’n, eh. Actually, matutuwa pa po ako kapag may nagpapiktyur sa ‘yo. Ibig sabihin noon, successful ka na, eh.”
Sang-ayon naman si RC kay JMAC, “Actually, puwede naman po ‘yung ganu’n as long as wala pong interaction or hintayin lang po nila kami matapos sa ginagawa namin. Pagbibigyan naman po.
“But unlike po ‘yung sinasabi n’yo po na hindi pagbibigyan, siyempre po, ang laki po ng tulong ng mga fans. So, hindi po namin sila ide-deny na pagbigyan po.”
Ang BILIB ay binubuo nina Rafael, JMAC, Clyde, RC, Zio, Yukito at Carlo. Last year, ini-launch sila ng AQ Prime Music kasabay ng paglabas ng kanilang first single titled Kabanata.
After a year, they’re back with a new song, ang Say Watcha Wanna Say.
When asked kung ano ang inspirasyon ng pangalawa nilang single, ang isa sa mga composers ng song na si Zio ang sumagot sa aming tanong.
“Bilang isa po sa mga nagsulat ng lyrics ng Say Whatcha Wanna Say, ang iniisip ko po ru’n is general, eh.
"Parang problema ng mundo ‘to na lagi na lang may taong nanghihila sa 'yo pababa.
“Nu’ng ginawa ko ‘to, naisip ko na kailangan kong gumawa ng strong statement na makakapag-motivate sa mga taong makakapakinig nu’ng kanta. Na kahit ano’ng sabihin nila, tuloy lang tayo . Kasi tayo lang makakapagpabago ng sarili natin, eh. Kung magpapahila tayo, walang mangyayari,” paliwanag ni Zio.





Comments