top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

BB KINA KYLIE AT ALJUR: 'WAG KAYONG MAGLABASAN NG BAHO SA PUBLIKO!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 26, 2021
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 26, 2021




Nagbigay ng unsolicited advice ang uncle, or rather auntie, ni Kylie Padilla na si BB Gandanghari during her live streaming sa kanyang Instagram account habang kumakain sa isang restaurant sa US kamakailan.

Sa kanyang live streaming, binasa ni BB ang comment regarding her niece na si Kylie na talk of the town dahil sa pinakawalang statement ng mister nitong si Aljur Abrenica na ang aktres ang unang nagloko sa kanilang relasyon.

Nagulat si BB Gandanghari sa comment ng kanyang follower that Kylie cheated first.

“No way! Really?! Sinabi niya ‘yan?” sunud-sunod na tanong ni BB.

Pagkatapos mahimasmasan sa pagkabigla, saka nagpatuloy si BB sa pagbibigay ng statement.

“I don’t know now,” mahinahon niyang sabi. “That, hindi na ako puwedeng makialam. Kasi, hindi ko talaga alam ‘yan. This is the first time na narinig ko ‘yan. So, I don’t know. Uhm, hindi naman ako nagtatanong.”

Four days ago pa kasi ang naturang live streaming ni BB. For sure, nakarating, or kundi man niya napanood, ang interbyu kay Kylie ni Jessica Soho kung saan nilinaw ng aktres na hindi siya nagloko habang nagsasama sila ni Aljur bilang mag-asawa.

“So, pero eto lang ang sa akin, kasi ang paghihiwalay, galing tayo d’yan, eh, ‘di ba? Ang paghihiwalay is not a joke. It’s not a career move or something to be, ‘yung parang mapag-usapan ka. Masakit ‘yan,” diin ni BB Gandanghari.

Pagpapatuloy niya, “So, what I can advice is to, being younger than you are, eh, try to keep your dirty linens? In the washroom. I’m sure you know what I mean. If you know what I mean, ‘di ba?”

Pero bigla ring natigilan si BB sa pagbibigay niya ng payo kay Kylie.

“Ayoko, ayokong makialam. Mahirap makialam!

“Pero ‘yun lang, try to keep things in private, as much as possible. Kasi may mga anak kayo, unang-una. So, ‘yun lang. ‘Yun lang ang masasabi ko. That’s a very touchy subject.

“So, as of now, I think you’re not the priorities. I mean, the parents, Kylie and Aljur. I think what you have to think about now, are the children.


“Kung meron siguro akong maipapayo bilang isang auntie, ‘yun siguro ang maipapayo ko.


‘Yun lang ang masasabi ko. ‘Yun lang.”

Gumaan ulit ang mood ni BB Gandanghari nu’ng basahin niya ang comment na pareho raw silang maganda ni Kylie.

“Alam n’yo na kung ano ang pinanggalingan ng mga batang ‘yan, at least, genes-wise. Hahaha!”

Ilang beses ding umiyak si BB Gandanghari habang nagla-live stream sa kanyang Instagram.


Hindi pa rin daw kasi siya nakaka-move on sa pagkawala ng kanyang asong si Imman.

Bukod kay Imman na nami-miss niya, nami-miss na rin daw ni BB Gandanghari ang paggawa ng pelikula at pagpunta sa bahay nila sa Fairview. Nami-miss na for sure ni BB ang kanyang ina na si Eva Padilla.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page