top of page
BINI Gwen.jpg

Bayad sa banat kay Alden… XIAN GAZA, LUBOG PA RIN SA UTANG, WANTED SA MGA NA-SCAM KAYA ‘DI MAKAUWI SA ‘PINAS

Writer: BULGAR
BULGAR
15 hours ago
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 28, 2026



Xian Gaza - instagram

Photo: Xian Gaza - instagram



“Ang laki pa ng binabayaran n’yang si Xian Gaza sa mga na-scam n’ya kaya bayad s’ya sa mga tinitira n’ya o sinisiraan n’ya,” ito ang kuwento ng aming source na maraming alam tungkol sa pagkatao ng naturang social media personality na kamakailan lang ay todo-banat kay Alden Richards. 


Hindi naman kami na-shocked kasi halatang-halata namang nagpapabayad siya o paid troll nga, pero ang nagulat kami ay bawal siyang umuwi kasi inaabangan siya ng mga na-scam niya.


Nabasa kasi namin dati na bayad na siya sa mga nahiraman niya ng pera na hindi kumita o nagamit niya kaya siya tinawag na scammer at kahit daw i-check pa ay wala na siyang warrant of arrest.


Kaya lang, mas gusto niyang manirahan sa ibang bansa dahil may trabaho siya roon at kung uuwi ay ‘nganga’ siya rito at tiyak na walang magtitiwala sa kanya, kasi nga, alam na scammer siya.


Sana ay magising si Gaza isang araw at baguhin ang istilo ng kanyang pinagkakakitaan para umayos ang buhay niya.





NAALIW naman kami sa kuwento ng pelikulang Red Crown na pawang ex-beauty queens ang cast dahil ang shala (sosyal) nilang panoorin kapag rumarampa sa entablado during pageant night.


At buti, napapayag silang makunan sa sitwasyong ayaw nilang makita ng publiko, ang magmukha silang stupid o idiot kasi nga, glamorosa sila at pasok din ang pagiging komedyante, drama queen at feisty ng ibang karakter.


Kuwento ito ng mga gustong sumali sa beauty contest na galing sa iba’t ibang probinsiya, pero pagkatapos nilang pumirma ng kontrata ay sasabak pala sila sa reality show na napapanood ng buong mundo at pinagbobotohan kung sino ang ipapanalo at papatayin, mala-Squid Game ang peg.


Kaya nagulat ang mga contestants nang malaman nilang ang sinalihan nila ay wala naman daw sa kontrata, kasi pala, paghihiganti ang motibo ng bagong owner ng franchise, played by Michael De Mesa, na dating si Ruffa Gutierrez ang may-ari, at sa pangunguna ni Epy Quizon ang mga judges.


Sa premiere night ng Red Crown sa Robinsons Ortigas nitong Lunes ng gabi, Oktubre 26 ay bumaha ng mga naggagandahang babaeng nakasuot ng pula, sa pangunguna nina Ruffa Gutierrez, Bianca Manalo, Alethea Ambrosio, Yza Thalia Uy, Yna Angela Uy, Tarah Valencia, Yana Aduana, Haley Dizon, MJ Encabo, Vanessa Peña, Aira Lopez, Gazini Ganados, Ahtisa Manalo, MJ Lastimosa, Ariella Arida, Rein Hillary, Michelle Marquez Dee (MMD), AZ Martinez, Faith da Silva, Jade Tecson, Sandy Riccio, Shuvee Etrata, Ashley Ortega, Herlene Budol, Maika Kemmochi, Skye Chua, Pinky Tobiano, Cat Arambulo at Anna Magkawas. Si Tim Yap ang host ng pageant night.


Nakita namin ang mga executives ng GMA Network at GMA Pictures na sina Senior Vice-President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group and President of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes; Sparkle GMA Artist Center First Vice-President Joy Marcelo; at Senior Talent Manager Tracy Garcia. 


Present din ang co-producer na si former Governor Chavit Singson.





AARANGKADA na ang mga pasabog na eksena at rebelasyon nina Kathryn Bernardo, James Reid at Maja Salvador sa tumitinding mga kaganapan ngayong linggo sa ABS-CBN primetime teleseryeng Someone, Someday.


Sa inilabas na teaser, ipinasilip ang pinakainaabangang eksena ng pag-amin ng feelings ni Jordan (James) sa best friend niyang si Billy (Kathryn), na tila may kasama pang matamis na halik.


Ipinakita rin ang nagbabadyang mga puksaan na eksena nina Kathryn at Maja. Pinatawad na kasi ni Billy si Bea (Maja) at iniurong na ang mga kaso laban sa kanyang half-sister, at ngayon ay umaasa si Billy na makakapagsimula sila ng bagong buhay na magkasama.


Subalit mukhang titindi ang galit ni Billy kay Bea dahil pagsususpetsahan niya ito na nakikipagkuntsaba pa rin kay Caloy (McCoy De Leon) para wasakin ang kanilang pamilya. Dahil dito, malalagay sa matinding panganib ang pamilya ni Billy, kasama na rito ang pinakamamahal niyang kapatid na si Oliver (Migz Casimiro).


May malaking plot twist din na dapat abangan dahil aakusahan ni Billy si Bea na bina-blackmail siya nito tungkol sa isang trahedyang nangyari noong bata pa siya na naging dahilan daw ng pagkamatay ng isang babae.


Subaybayan ang mga tumitinding rebelasyon sa Someone, Someday gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, at 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at TFC. Napapanood din ito nang 72 hours in advance sa Netflix at 48 hours in advance sa iWant.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page