Bawat buka raw ng bibig, sablay… NETIZENS KAY SEN. ROBIN: NAKAKAHIYA KA!

ni Beth Gelena @Bulgary | July 31, 2026

Photo: FB Robin Padilla
Isang netizen ang nag-post sa Threads tungkol sa sagupaan nina Sen. Robin Padilla at Jay Tristan Tarriela, isang rear admiral ng Philippine Coast Guard (PCG) at tagapagsalita nito para sa West Philippine Sea (WPS). Isa siya sa mga pangunahing opisyal na nagbibigay ng update tungkol sa mga insidente sa WPS at sa mga operasyon ng PCG.
Sey ng isang netizen, “Ang Shakit (sakit), Rub-IN (Robin). Ang sabi ko sa ‘yo, bago ibuka ang bibig, pag-isipan nang hundred folds. ‘Yan tuloy, ikaw na naman. Pambansang Dugol.
“Mga Kumarites, sayang pera ng bayan sa ganitong senador.”
Nag-ugat ang sagupaan nina Tarriela at Padilla sa AI-generated video ng China Daily na naglarawan sa mga Pilipino bilang mga unggoy sa gitna ng isyu sa WPS.
Sinabi ng senador na si Tarriela umano ang ‘drew first blood’ o nagpasimula ng paglala ng ‘wartime propaganda’ laban sa China dahil sa transparency campaign ng PCG tungkol sa mga insidente sa WPS.
Tumugon si Tarriela na hindi propaganda ang kanilang ginagawa kundi pagdodokumento lamang ng umano’y pangha-harass ng China sa mga Pilipinong mangingisda at mga barko ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Pinuna rin ni Tarriela ang naging pahayag ni Padilla tungkol sa ‘monkeys of different colors’ at iginiit niyang “Hindi po tayo unggoy,” at hindi dapat tanggapin ng mga Pilipino ang ganitong uri ng panlalait mula sa kahit na anong bansa lalo na sa China.
Siyempre pa, ang mister ni Mariel Padilla na naman ang binanatan ng mga bashers.
“Robin, everytime you speak, maraming controversies. Think before you speak. Make some sense naman. Nakakahiya ka, eh.”
“Tagos sa buto ‘yun, Robin. Frontliner ‘yan ng bansa, ikaw backliner. Sasakay ka ng bus liner ‘pag nagkagera.”
“Yes, Commodore Tarriela, gusto ko ‘yan, walang takot mangatwiran sa senador na walang alam.”
“Go, Sir PCG Jay Tarriela, for our motherland.”
“Taumbayan din ang may kasalanan, ibinoto s’ya kahit walang alam.”
“I salute you and proud of you, PCG Jay.”
“Kaya malakas ang loob ng mga Intsik na ‘yan dahil kinakampihan ng senador na ‘yan.”
May ilan namang nagtanggol sa senador.
Sey ng isang fan, “Bobo ‘tong si Tarriela. ‘Di n’ya ba alam kung ilan ang nailigtas ni Sen. Robin sa Abu Sayyaf?”
Sa ganang amin, kaya malimit magtanong ang senador ay dahil gusto niyang malaman kung ano talaga ang sitwasyon.
Hindi sa kinakampihan niya ang China. Siya lang kasi ang may lakas ng loob na magtanong upang maintindihan ng buong bayan ang buong pangyayari.
JM, HINALIKAN AT SINABIHAN NG “MASARAP KA” ANG ISANG BATA, NA-BASH
UMANI ng batikos mula sa mga netizens ang Kapamilya actor na si JM de Guzman matapos umanong sabihang ‘masarap ka’ ang isang bata.
Sa isang kamakailang post sa Reddit, isang netizen ang nagbahagi ng video na umani ng mga negatibong komento laban sa aktor.
Makikitang hinalikan ni JM ang bata sa pisngi. Pagkatapos, may sinabi siyang hindi marinig, pero idiniin sa video na sinabi umano ng aktor sa bata na “Masarap ka.”
Pagkatapos noon, pabirong itinuro ng direktor ang kumukuha ng video at sinabing mahilig itong mag-post sa social media. Habang nakangiti, sinabi ni JM na baka magalit ang ina ng bata.
“‘Di ko masyadong maintindihan ‘yung ibang part na sinabi, pero it’s giving me creepy vibes. Hinalikan pa talaga.
“Sabi sa comment section, ang narinig daw nila ay ‘‘Wag kang magpapaiyak ng mga babae, ha, pasarap lang.’ Mali pa rin ‘yun! Kitang-kita sa body language ng bata na alam n’yang may mali.
“Sa showbiz industry, normal na mag-joke ang mga manipulative predators,” ayon sa caption ng post.
Sa comment section, binatikos din ng ilang netizens ang actor.
“Baka kaya bet na bet n’ya si Donnalyn Bartolome kasi may pagka-childish vibes si girl. Hahaha! Remember nu’ng nag-cosplay s’ya bilang young girl o toddler? Na-bash s’ya ru’n.”
“There are so many clowns in ‘Pinas and others even continue idolising them. Don’t watch this garbage.”
“Kinabahan pa kasi may nagbi-video. Paano na lang kaya s’ya umasta sa harap ng mga minor kung walang camera?”
SI Angel Locsin ang nasa ikatlong puwesto sa Most Followed Celebrity on Facebook 2026. Nakapagtala ang aktres ng 24 million followers. Ang listahan ay may sariling pamantayan dahil hindi isinama ang content creators, influencers, vloggers at bloggers.
Hindi ito listahan ng lahat ng may pinakamaraming FB followers kundi ng isang partikular na kategorya ng mga celebrities.
Hindi ito nangangahulugang siya ang pangatlong may pinakamaraming Facebook followers sa lahat ng public figures o celebrities sa buong mundo.
Well, ilang taon ding naging inactive ang actress sa kanyang social media. Kamakailan lang niya muling binuksan sa publiko ang kanyang platforms nang i-call out niya si Sen. Robin Padilla.
Ilan sa mga komento ng mga netizens:
“‘Yan ba ‘yung may pinagdaraanan dahil nagsasabi lang ng totoo? Congrats, Ma’am.”
“Congrats, Ms. Angel! Ang bait mo kasi at matino ang pag-iisip.”
May pasaring naman ang isang commenter sa misis ni Robin, “Mariel Rodriguez Padilla, 5.6M followers.”
“Sabi n’yo, laos. Inactive pa ‘yan, ha?”
“‘Yan ba ang tinatawag na laos?”
“Ang alam ko, ilang beses s’yang pinuntahan ng ABS-CBN para bumalik sa showbiz pero declined pa rin.”





Comments