top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bawal sa Olympics ang protesta; Paras, dumanas ng depresyon

BULGAR
Apr 23, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | April 23, 2021




Binalaan ng International Olympics Committee (IOC) ang mga atletang dadalo sa Tokyo Olympics na bawal ang magpakita ng anumang senyales gaya nang pagluhod o pagtaas ng kamao bilang protesta sa isyu ng racial discriminations.


Ayon sa IOC, hindi sila magdadalawang isip na patawan nang parusa ang sinumang atleta na gagawa ng nasabing hakbang. Base sa IOC Rule 50, ipinagbabawal ang anumang uri ng pagsasagawa ng protesta maging political, religious o racial propaganda sa mga lugar at ilang mga Olympic area.

Sinabi pa ng IOC na ang rekomendasyon ay base sa isinagawa nilang konsultasyon noong Hunyo 2020 kasama ang mahigit 3,500 na atleta. Marami rin ang kumontra sa nasabing panukala at sinabi ni World Athletics’ President Sebastian Coe na mayroong karapatan ang mga atleta na maglabas ng protesta.

Sisipa ang Olympics sa Hulyo 23.


Samantala, gamit ang Instagram, naglabas ng hinaing si Kobe Paras sa isang post na throwback video ng hoopjunkie noong naglalaro pa ito sa Adidas Nations 2015.


Ayon kay Paras, 18-anyos pa lamang siya noon ngunit ramdam na nito ang bigat ng pressure na ipinatong sa kanya ng mga tao. “Ever since I was 14, I was pressured by people who don’t even know me to be someone I’m not? People who don’t even know me gave me so much expectations for no reason,” wika ni Paras sa kanyang post.


Isiniwalat ni Paras na dahil sa matinding pressure ay dumaan ito sa depresyon sa edad na 20-anyos bunsod ng mga negatibong komentong tinatanggap nito sa murang edad. “Crazy what people say can affect a kid. Imagine being depressed at 20 because every time you mess up, you think you let your country down,” wika ng batang Paras.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page