top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bawal paalisin ng may-ari ng lupa ang tenant nito dahil lang naiba ang pananim sa kanyang lupain

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 11, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 11, 2021



Dear Chief Acosta,


Maaari bang isangla ng may-ari ang lupang sakahan kung saan ako ay tenant? Nais kong malaman kung tama bang paalisin ako sapagkat kami ay hindi nagkasundo o nagkaiba ng opinyon sa mga pananim na dapat itanim o ilagak sa lupa kahit na ako naman ang pinanigan ng korte tungkol dito? – Tiffany


Dear Tiffany,


Para sa inyong kaalaman, ang Seksiyon 6 ng Republic Act (R. A.) No. 2263, o mas kilala bilang An Act Amending Certain Sections of Republic Act Numbered One Thousand One Hundred Ninety-Nine, otherwise known as the Agricultural Tenancy Act of the Philippines, ang batas na naaangkop sa inyong sitwasyon. Nakasaad sa nasabing probisyon ang sumusunod:


Section 6. Subsections (1) and (2) of Section twenty-five of the same Act are hereby amended to read as follows:
“Sec. 25. Rights of the Landholder:
“(1) The landholder shall have the right to choose the kind of crop and the seeds which the tenant shall plant in his holdings: Provided, That if the tenant should object, the court shall settle the conflict according to the best interest of both parties: Provided, further, That in no case shall a tenant be ejected as a consequence of a change in crop.(Binigyang-diin)

Base sa mga nabanggit, ang may-ari ng lupa ay mayroong karapatang pumili ng mga pananim na maaaring ilagay sa kanyang lupa. Kung sakaling ang tenant ay hindi sumang-ayon dito, ang korte ang nararapat na magdesisyon kung ano ang mga itatanim sa lupa base sa interes ng parehong partido. Bukod pa rito, nakasaad din sa nabanggit na probisyon na ang tenant ay hindi maaaring paalisin ng may-ari ng lupa sa dahilang naiba ang mga pananim sa kanyang lupain.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

1 Comment


rowenacarabido1983
Feb 26, 2021

Pde po bng mag avail ng public attorney .ang mag sasampa ng kaso child abuse laban sa isang.municipal

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page