top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bawal daw ma-stress dahil sa sakit sa puso… MAYOR LANI KAY SEN. BONG: MAGPAKABAIT KA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 6, 2021
  • 4 min read

Julie Bonifacio - @Winner | February 6, 2021





Sa hindi inaasahang pagkakataon, sumailalim sa isang heart procedure test si Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla sa St. Luke's Hospital sa BGC, Taguig City yesterday.


Nagpunta si Mayor Lani sa ospital upang samahan ang kanyang mister na si Senator Ramon "Bong" Revillla, Jr. para sa kanyang regular check-up.


After siguro mag-complain ni Mayor Lani for some heart pains, eh, napayuhan siya ng doktor na mag-undergo sa angiogram, a kind of test para malaman ang kalagayan ng puso.


Nakita namin sa Facebook ang ipinost ni Mayor Lani ukol sa pagpapa-test ng puso niya with a picture ng suot na hospital tag bearing her name, edad at birthday niya.


"Akala ko makakauwi ako agad kahapon after the tests I took here in the hospital. Actually, sinamahan ko lang si Sen. Bong Revilla for his tests to find out why he is experiencing lower back pains and other concerns. 'Yun pala, ako ang may problema.


"God really works in mysterious ways. I believe He made me do all these tests to find out I needed to address certain health concerns.


"Bahala ka na Lord!!! You are my creator and my ultimate healer. I believe in my heart that I still have unfinished business and I know You will take care of me the way You took care of all these years. I love You sincerely with all my (heart emoji). Father God. Provide me with strength and healing Papa God (praying hands)," ang caption ni Mayor Lani.


Nag-live naman sa kanyang Facebook page si Senator Bong habang nasa loob ng hospital kahapon.


Sunud-sunod ang FB Live niya para detalyadong maipakita ang kalagayan nila especially ni Mayor Lani mula sa pag-admit, pagpasok at paglabas sa lab room ng kanyang misis.


Panay ang hiling ng dasal ni Sen. Bong sa kanyang mga FB followers during his first live video.


"Please pray for Lani. May nakita yata na problema sa kanyang puso. So, she has to undergo angiogram. Siguro, mamaya po, mga ala-una (1 pm). Ako po, ngayong 9:30 AM ang aking endoscopy and colonoscopy. Please pray for us," hiling ng aktor-senador.


Muling nag-live sa kanyang FB si Sen. Bong habang hinihintay matapos ang angiogram ni Mayor Lani. Just in case raw na may nakitang bara sa puso ni Mayor Lani, didiretso agad sa heart operation called angioplasty ang kanyang misis.


Matagal-tagal na raw kasi silang hindi nagpapa-checkup kaya sila nagpunta sa ospital. Okey naman daw ang naging resulta ng dalawang tests ni Sen. Bong.


"Although, ang sabi, meron nang ulcer. So, medyo ingat na rin sa mga pagkain. Kaya bawal ang alak. Bawal ang mga pagkaing hindi karapat-dapat. So, 'pag sinabing bawal… nakakalimutan na natin na hindi na tayo bumabata. Pero, first thing (kailangan), healthy. Nothing to worry about it."


Itinuring na blessing ni Sen. Bong na sinamahan siya ni Mayor Lani na magpa-checkup. Nalaman tuloy nila ang health condition nito.


"God is good. Hindi siya pababayaan. And I'm here with uhm, Loudette, 'yan si doktora. And si Miss Piggy (Miss Piggy Baker ang pet name ni Sen. Bong sa anak and newly-engaged na si Gianna), hehehe!


"Eto si Kuya Bryan, our eldest. And si Vice-Gov. Jolo, ayan. 'Yung bunso, wala pa rito," na ang tinutukoy niya ay si Ram.


Naikuwento rin ni Sen. Bong na ang area na pinupuwestuhan nila during his FB Live is the same place noong dinala nila ang kanilang daddy na si former Senator Ramon Revilla, Sr..


"It reminds us doon sa father ko. Pero, even the room, 'yung tinutuluyan namin, same room kung saan huling nag-stay si Daddy. 'Yun lang ang available room."


And on his third FB Live sa loob ng ospital, kinunan ni Sen. Bong ang paglabas ni Mayor Lani sa lab room at nalaman na rin nila ang result ng angiogram ng misis.


Caption ni Sen. Bong sa video, "Salamat po sa inyong mga dasal. Lani just got out from the room, and angiogram results show no significant concerns. Though she may need to do some medication, doctors said it’s nothing to be worried about. We praise God for this wonderful news. Thank you for interceding."


Habang papalabas ng angiogram room si Mayor Lani ay nag-dialogue ito ng "Back to work."


Nag-react naman agad ang kanyang mga anak na sumalubong sa kanya.


"Monday ka pa puwedeng mag-work, Ma, sabi ng doktor," sabi ni Vice-Gov. Jolo.


Comment naman ni Sen. Bong, "Iba 'yung ano, 'no, workaholic. God is so good."


Pagsang-ayon naman ni Mayor Lani, "God is good. Marami pang misyon sa buhay. Marami pang makikitang apo."


"Jolo, apo raw," biro ni Bryan.


Pero sabi naman ni Sen. Bong, "Kaya ikaw, Bryan... wala pang asawa."


Ayon naman kay Mayor Lani, maganda ang result ng test niya.


"Kumbaga sa ano, pagpasok ng EDSA, sa Makati, may bara nang konti, may traffic," lahad nito.


Matatanggal din naman daw ang bara at kailangan lang ng exercise.


Isa pang dapat daw alisin ni Mayor Lani ay ang stress.


"Papa, eh, di, paano ka?" tanong ni Mayor Lani sa kanyang mister.


"Hahaha! Ako ba stress mo? Sama mo naman. Hindi naman," depensa ni Sen. Bong.


Sagot naman ni Mayor Lani, "Magpakabait ka."


Anyway, lumabas sa result ng angiogram ni Mayor Lani na normal naman ang kanyang EEG and her brain is fine.


But the bad news daw ay ang pagtaas ng kanyang creatinine mula 255 last January to 377.92! Ang normal daw ay 70-115. Pati na ang kanyang uric acid ay tumaas sa 17.11 from 11.8 last October, the normal is 3.4 to 7.


'Yun na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page