top of page

Baton ng Tokyo Olympics, ipinasa na sa Paris 2024

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10, 2021
  • 2 min read

ni MC - @Sports | August 10, 2021



Sa pormal na pagtatapos ng Tokyo Olympics noong Linggo ng gabi ay ipinasa na ang baton ng Olimpiyada para sa susunod na pagdaraos ng quadrennial games sa Paris, France sa 2024 makaraan ang pagdaraos ng pandemic Olympics sa Japan na unang nakansela noong Hulyo 2020 na bagamat maraming alinlangan kung itutuloy pa ito ng Hulyo 2021 ay sumugal pa rin ang bansa, maisakatuparan lang ang pinakaprestihiyosong laro sa buong mundo.

Sinabing matagumpay ito sa kabila nang pambubulabog ng COVID-19 pandemic sa Games kung saan ilang manlalaro ang tinamaan ng virus.

Tinapos sa salitang "Arigato" ang seremonya, ibig sabihin ay salamat sa big screen, kasunod ng pagparada ng mga atleta sa kani-kanilang bandila kung saan si Pinay boxer Nesthy Petecio ang pumarada para sa Pilipinas saksi ang mga upuang walang audience.


Kasunod ang pagpatay sa Olympic flame na hudyat na tapos na ang Pandemic Summer Games. Sinundan ng napakagandang pagsambulat ng fireworks na puminta ng iba’t ibang kulay sa madilim na kalangitan habang papalabas ang mga atleta sa Olympic Stadium.


Habang sa Pransiya naman ay nakaabang ang mga sayawan at pagdiriwang sa paanan ng Eiffel Tower para sa pagpasa ng baton sa summer games sa Paris 2024, kung saan naglabas ang mga fighter planes ng tricolor na asul, puti at pulang usok sa himpapawid. "I declare the games of the 32nd Olympiad closed," ayon kay Thomas Bach, pangulo ng International Olympic Committee. "See you in Paris."


Naging madamdamin din ang pagsasara dahil nilahukan ito ng BMX riders, bakanteng park at drama ng pulitika na sumasagisag na pang-araw araw na pamumuhay sa Tokyo. Orihinal sanang sasalamin ang Tokyo Olympics sa pagbangon ng Japan sa manapanirang lindol, tsunami at nuclear crisis noong 2011.


Ginanap ang Olympics na walang manonood at dahil sa pagkalat ng COVID-19 variants kaya kinapos sa pondo ang organizers. Dahil sa pangyayari, natabunan pa ang Japan ng $15 billion bill na doble sa inaasahan matapos walang turistang dumagsa sa Tokyo. Pinasalamatan ng presidente ng International Olympic Committee (IOC) ang mamamayan ng Japan at itinuring ang Olympics na simbolo ng pag-asa sa pagsubok ng pandemya. "Nobody has ever organized a postponed Games before," wika nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page