Bato, 'wag kang sumuko — Robin

ni BRT @News | November 7, 2026

Photo: Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla sa pagpapahintulot sa isang personal assistant ni dating House Speaker Martin Romualdez na manatili at tumulong sa kanya sa loob ng New Quezon City Jail. Office of the Ombudsman / File
Hindi hihikayatin ni Sen. Robin Padilla si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na sumuko sa International Criminal Court (ICC) sa kabila ng arrest warrant laban dito kaugnay ng madugong drug war ng administrasyong Duterte.
“Sumuko kanino, sa dayuhan? Ay hindi… Kahit naman ako kung ICC 'to hindi ako susuko. Bakit ako susuko doon?” pahayag ni Padilla nitong Biyernes, Nobyembre 6.
Iginiit ng senador na wala siyang nakikitang arrest warrant mula sa lokal na korte laban kay Dela Rosa kaya hindi niya ito papayuhang sumuko.
Sinabi rin ni Padilla na naiinggit siya kay Dela Rosa dahil isang dayuhang institusyon ang naghahanap dito.
Samantala, patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad kay Dela Rosa, na may nakalaang P50-milyong pabuya para sa impormasyong hahantong sa kanyang pagkakaaresto.
Dumalo naman si Padilla sa Department of Justice kaugnay ng reklamong obstruction of justice laban sa kanya matapos umano niyang tulungang makalabas ng Senado si Dela Rosa noong Mayo.





Comments