top of page
FRANKLY - PIKTYUR NI JENNYLYN NA BUGBOG-SARADO, GINAMIT NA PROPS SA PARTY, DENNIS GALIT NA

Remulla kay Romualdez: Bawal ang alalay sa selda

Writer: BULGAR
BULGAR
16 hours ago
1 min read

ni Mervin Reyes @News | November 7, 2026



Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ang pagpapahintulot sa isang personal assistant ni dating House Speaker Martin Romualdez na manatili at tumulong sa kanya sa loob ng New Quezon City Jail

Photo: Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla sa pagpapahintulot sa isang personal assistant ni dating House Speaker Martin Romualdez na manatili at tumulong sa kanya sa loob ng New Quezon City Jail. Office of the Ombudsman / File



Kinuwestiyon ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ang pagpapahintulot sa isang personal assistant ni dating House Speaker Martin Romualdez na manatili at tumulong sa kanya sa loob ng New Quezon City Jail.


“Bawal ’yan. That is not allowed. That’s favoring somebody,” ani Remulla sa ibinahaging pahayag.


Nagbabala rin ang Ombudsman na maaaring matanggal sa serbisyo ang mga tauhan ng kulungan na mapatutunayang lumabag sa mga umiiral na patakaran.


Ayon kay Remulla, maaari ring magdulot ng panganib sa seguridad ang malayang pagpasok at paglabas ng personal assistant sa pasilidad.


Nauna rito, kinumpirma ni jail warden Maria Lourdes Pacion na pinayagan niya ang personal staff ni Romualdez na tumulong sa pang-araw-araw nitong pangangailangan.


Ipinaliwanag ni Pacion na ginawa ang naturang arrangement batay umano sa humanitarian considerations.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page