top of page
FRANKLY - PIKTYUR NI JENNYLYN NA BUGBOG-SARADO, GINAMIT NA PROPS SA PARTY, DENNIS GALIT NA

Utol ni Patrick na si Cheska, damay… PIKTYUR NI JENNYLYN NA BUGBOG-SARADO, GINAMIT NA PROPS SA PARTY, DENNIS GALIT NA GALIT

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
4 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | November 7, 2026



FRANKLY - PIKTYUR NI JENNYLYN NA BUGBOG-SARADO, GINAMIT NA PROPS SA PARTY, DENNIS GALIT NA GALIT_IG _dennistrillo

Photo: IG _dennistrillo



Umuusok sa galit ang aktor na si Dennis Trillo sa isang event styling business na ginamit ang larawan ng kanyang asawang si Jennylyn Mercado sa set-up na ginawa nito para sa isang birthday party.


Sa kanyang Facebook (FB) post ay ibinahagi ng aktor ang larawan ng lumang clipping ng isang tabloid na naglalaman ng balita hinggil sa pambubugbog na dinanas ni Jenn noong bata pa siya.


Ang nasabing old clippings ay naka-display sa isang birthday party bilang bahagi ng disenyo ng Party Magic.


Makikita nga sa front page ang larawan ni Jen na may black-eye when she was 3 years old at karga-karga pa siya ng kanyang adoptive mom na si Mommy Lydia Mercado.


Sa caption ay kinuwestiyon ni Dennis kung bakit kailangan pang gamitin ang nasabing balita sa design ng mga ito para sa event. Sinabi rin ng aktor na hindi raw sumasagot ang kumpanya sa tawag niya kaya sa social media siya nag-react.


“‘Di ko lang mapigilang mag-react dito, tutal ayaw n’yo sumagot sa tawag ko… Sige, dito tayo mag-usap.


“Party Magic, bakit n’yo naman napiling gamitin ito mismong kopya ng tabloid na ‘to? Sa theme ng children’s party pa, ha? Pakipaliwanag please…” ang mensahe ni Dennis sa pamunuan.


“Sa mga ‘di nakakaalam, ‘yung naka-headline na batang binugbog ay ‘yung asawa ko. Tama ba naman na ‘yun pa ang ilagay n’yo?” aniya pa.


Sa comment section ay sinabi ni Dennis na hindi raw nagre-reply man lang ang naturang event styling company.


“Ilang beses na namin sila minessage, idinelete ‘yung post… pero walang kahit na anong reply. Very good, Party Magic,” aniya.


Banta pa ng aktor na halatang galit na galit, “‘Di kami titigil hanggang maglaho na lang kayo na parang MAGIC.”


Inuulan ngayon nang katakut-takot na mga bashings ang naturang kumpanya mula sa mga netizens at sa DenJen (Dennis & Jenn) fans.


Nadamay pa ang mag-asawang Cheska Garcia at Doug Kramer dahil nahalungkat ng mga netizens na client sila ng Party Magic. Dahil dito, nag-assume ang mga fans na mukhang sinadya umano ito ng kumpanya upang magpakita ng suporta sa  pamilya ni Patrick Garcia.


As we write ay wala pang official statement ang Party Magic hinggil sa issue at bukas ang aming kolum para sa kanilang panig.





SA totoo lang, pang-Maalaala Mo Kaya (MMK) o Magpakailanman ang success story ni Ms. Connie Garolacan, CEO, president, and founder of Connie’s Skincare Essentials & Beauty.


From working as a household helper in Hong Kong to building a new life in the United States and eventually becoming a businesswoman, her story is a testament to the power of perseverance and believing in oneself.


Hindi naging madali ang journey ni Ms. Connie na hindi niya ikinahiyang ikuwento sa launching ng kanyang bagong produkto kamakailan.


Nagsimula siya bilang isang helper sa Hong Kong. Through hard work, patience, and determination, nagkaroon siya ng pagkakataong makapunta sa United States, kung saan nagsimula naman siyang magtrabaho bilang housekeeper. 


Sa paglipas ng panahon, dahil sa kanyang dedication at pagiging mapagkakatiwalaan, unti-unti siyang nagkaroon ng mas malaking responsibilidad hanggang ma-promote bilang state manager.


But despite having a comfortable life in the United States, hindi natapos doon ang kanyang mga pangarap. 


Naisip niyang magtayo ng sariling skincare business dahil gusto niyang magkaroon ng pagkakataong makatulong sa mga kababayan nating nangangarap ding kumita, magkaroon ng sariling negosyo, at umasenso sa buhay.


Taong December 2025, sinimulan niya ang Connie’s Skincare Essentials & Beauty. Wala pang isang taon ay napalago na niya ito at ngayon ay bestseller na ang kanyang mga produkto tulad ng lotion, BB cream, sunscreen, beauty soap, rejuvenation sets, glass skin set at deep hydration skincare line.


Among our celebrities, bet na bet daw niya ang beauty ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at gusto niyang kuning first ambassador if ever ng kanyang skin care product.


Okay din daw sa kanya kung isasapelikula or ida-dramatize ang kanyang life story pero wala pa siyang naiisip na artistang puwedeng gumanap dito if ever.

Biro na lang niya, siya na lang daw ang gaganap sa sarili niya.





MAGKAKASAMA muli sa isang ABS-CBN teleserye sina Coco Martin at Gina Pareño dahil mapapanood na ang premyadong aktres sa Coco Martin’s Sigabo bilang special guest.


Pagkatapos tumatak sa mga Pilipino ang kanilang tambalan bilang mag-lola sa mga serye, muling mapapanood ang dalawa sa pagsabak ni Gina bilang ang mapagmahal na Anita/Lola Gets, isa sa mga pasaherong makikilala ni Gabo (Coco) bilang undercover taxi driver. 


Ito ang muling pagsasama nina Coco at Gina sa isang Kapamilya teleserye matapos ang Tayong Dalawa, Juan Dela Cruz, at FPJ’s Ang Probinsyano.


Sa kasalukuyang takbo ng Sigabo, sunud-sunod na ang mga makapigil-hiningang engkuwentro at pagpasok ng guest artists sa mas tumitinding mga misyon ni Gabo para labanan ang mga malalaking sindikato na sangkot sa krimen. 


Kasabay ng aksiyon ay ang umaapaw na kilig moments nina Coco at Julia Montes. Totoo na kasi ang nararamdaman para sa isa’t isa ng pekeng mag-asawa na sina Gabo at Gloria (Julia) kung saan nag-level-up ang kanilang feelings matapos ang kanilang sweet na solo date.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page