Lalaking magde-deliver ng alahas, hinoldap ng riding-in-tandem

by BRT @News | November 7, 2026

Photo: File
Hinoldap ng riding-in-tandem ang isang lalaking magde-deliver sana ng alahas sa Pinagbuklod St., Taguig City.
Batay sa ulat, nilapitan ng mga armadong suspek ang biktimang sakay ng motorsiklo at nakaparada sa lugar saka sapilitang inagaw ang bag nito.
Mahigit P1.8 milyong halaga ng pera at alahas ang natangay ng mga salarin na agad tumakas sakay ng motorsiklong walang plaka.
Batay sa may-ari ng jewelry shop na pinagtatrabahuhan ng biktima, may nagbebenta sa kanila ng ginto online at sa naturang kalsada napagkasunduang magkita.
Maliban sa P360,000 sa pambayad sa gintong alahas, natangay rin ang P1.5 milyong na alahas na ihahatid sana ng biktima sa iba pang customer.
Nasa maayos namang kalagayan ang hinoldap na staff, ngunit nagka-trauma matapos ang insidente.





Comments