Ibibigay mula Dec. 15-31... P30K bonus sa taga-gobyerno

ni Mylene Alfonso @News | November 7, 2026

Photo: File
Posibleng makatanggap ng hanggang P30,000 na Collective Negotiation Agreement (CNA) Incentive ang mga kwalipikadong empleyado ng pamahalaan mula Disyembre 15 hanggang 31, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Saklaw nito ang mga regular, contractual at casual na civilian personnel sa mga ahensiya ng gobyerno, state universities and colleges, GOCCs, local water districts at LGUs.
Gayunman, hindi awtomatiko ang benepisyo. Kailangang may balido at rehistradong CNA ang ahensiya, nakamit ang hindi bababa sa 75% ng performance targets at may sapat na natipid na pondo.
Maaaring makatanggap ng buong aprubadong insentibo ang mga empleyadong may hindi bababa sa 10 buwang serbisyo hanggang Oktubre 31, habang prorated naman ang sa iba.
Binigyang-diin ng DBM na hindi maaaring lumampas sa P30,000 ang insentibo kada empleyado at dapat manggaling lamang sa pinahihintulutang savings ng ahensiya.





Comments