Bati na yaaarn? SHARON, ITINAG SI KC SA POST
ni Nitz Miralles @Bida | September 14, 2023

May sinubukan palang aging app si Sharon Cuneta at ipinost nito ang hitsura niya kapag tumanda na.
“OMG! Kamukha ko ‘yung Mommy at Mama Helen ko pagtanda ko pa!!!” caption ni Sharon sa kanyang post.
Pero, lahat ay nag-agree na maganda pa rin si Sharon kapag nagkaedad na at in-assure siya ng kanyang mga fans na kahit tumanda pa siya at pumuti na ang buhok, mamahalin pa rin nila si Megastar.
Samantala, natuwa ang mga nagmamahal kina Sharon at KC Concepcion nang makitang kabilang si KC sa itinag ni Sharon sa post niya about aging. Itinag din ni Sharon sina Frankie at Miel Pangilinan, Lala Sotto, Ciara Sotto at ang mag-asawang Gian at Joy Sotto.
Wishing ang mga fans na sa susunod, may convo na ang mag-ina.





Comments