Batas sa pagpapa-overtime sa empleyado
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 11, 2025
ATAS SA PAGPAPA-OVERTIME

Dear Chief Acosta,
Ako ay isang machine operator sa isang kumpanya. Tuwing sumasapit ang buwan ng Disyembre ay lagi akong pinag-o-overtime ng aking supervisor dahil diumano ay marami kaming tatapusin na trabaho at malaki ang mawawala sa amin na kita ‘pag hindi ito nagawa. Kailangan diumano tumakbo ng tuluy-tuloy ng makinarya ng opisina na hindi puwedeng ipagpaliban pa. May nakapagsabi naman sa akin na diumano ay dapat ay walong oras lang ang trabaho sa isang araw. Gusto ko lang malaman kung legal ang pagpapa-overtime sa akin ng aking supervisor tuwing malapit na mag-Pasko. -- Ben
Dear Ben,
Nakasaad sa batas na ang isang empleyado ay hindi maaaring magtrabaho ng higit sa walong (8) oras bawat araw. (Article 84, Labor Code of the Philippines) Ngunit mayroong mga iksemsyon sa batas na ito. Subalit, may mga pagkakataon na maaaring igiit ng employer sa isang empleyado na magtrabaho ng higit walong (8) oras sa isang araw o mas kilala sa tawag na overtime.
Ayon sa batas, “[a]n employee may be required by the employer to perform overtime work in any of the following cases: xxx (3) When there is urgent work to be performed on machines, installations, or equipment, in order to avoid serious loss or damage to the employer or some other cause of similar nature; xxx” (Article 89, Id.) Ang ibig sabihin nito ay maaaring igiit sa isang empleyado na magtrabaho ng higit pa sa walong oras sa isang araw kung mayroong madaliang trabaho kaugnay ng makinarya na kailangang matapos upang maiwasan ang pagkalugi, pinsala, o danyos sa may-ari ng kumpanya.
Iyong nabanggit na ikaw ay isang machine operator sa isang factory. Sa mga kaso na dinesisyunan ng Korte Suprema ay nabanggit na ang pagiging machine operator ay napapaloob sa nasabing exemption sa batas na kung saan ay maaaring igiit ng employer ang pag-overtime ng mga empleyado upang madaliang matapos ang trabaho at para maiwasan ang pagkalugi, pinsala, o danyos sa may-ari ng kumpanya. Sinabi rin ng Korte Suprema sa kaso ng Escobia vs. Galit (G.R. No. 153510, 13 February 2008, Ponente: Honorable Associate Justice Presbitero J. Velasco, Jr.) na ang “unjustified refusal to render emergency overtime work” ay maaaring maging dahilan upang matanggal ang isang empleyado sa pinapasukan niya:
“The issue now is, whether respondent’s refusal or failure to render overtime work was willful; that is, whether such refusal or failure was characterized by a wrongful and perverse attitude. In Lakpue Drug Inc. v. Belga, willfulness was described as ‘characterized by a wrongful and perverse mental attitude rendering the employee’s act inconsistent with proper subordination.’ The fact that respondent refused to provide overtime work despite his knowledge that there is a production deadline that needs to be met, and that without him, the offset machine operator, no further printing can be had, shows his wrongful and perverse mental attitude; thus, there is willfulness.
xxx
After a re-examination of the facts, we rule that respondent unjustifiably refused to render overtime work despite a valid order to do so. The totality of his offenses against petitioner R.B. Michael Press shows that he was a difficult employee. His refusal to render overtime work was the final straw that broke the camel’s back, and, with his gross and habitual tardiness and absences, would merit dismissal from service.”
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.








Comments