top of page

Batang Alagang Nutribun, malusog!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5, 2025
  • 1 min read

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | July 5, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mga beshie, kumain na ba kayo? Kasi July na — Nutrition Month na naman! Pero teka, bago pa nauso ang "sourdough" at mga pa-arteng tinapay, ang OG pa rin ay ang walang kamatayang NUTRIBUN! 


Isa ako sa mga proud na proud na Batang Nutribun! Sa totoo lang, kung may “Barbie Girl,” ay ako naman si Nutribun Girl! Say mo?! 


1970s pa lang, todo na ang laban kontra malnutrisyon. Panahon pa ‘yun ng aking erpat — ang “orig” na Presidente Ferdinand E. Marcos Sr. Grabe mga beshie, noong mga panahong ‘yun, 3 sa bawat 10 bata sa bansa, underweight! Kaya naman boom!, sinimulan ang Nutribun program katuwang ang USAID. 


Gawa sa wheat, gatas, at galing, ang Nutribun ang naging sagot sa gutom. Hindi lang basta tinapay, beshie — ito ay pampalusog din! Katulong laban sa kahirapan, sa pagkabansot, at sa pagkalagas ng timbang! 


Ngayon, enhanced at bonggang-bongga na ang Nutribun! May flavors na, saan ka pa — chocolate, ube at cheese! Parang love life niyo lang — may variety at punung-puno ng sustansya! 


At alam niyo ba mga teh -- may 13 na Nutri-Jeep at Nutri-Bus na umiikot sa buong ‘Pinas! From Luzon, to Visayas, at opkors sa Mindanao! 


Dala nila hindi lang Nutribun, kundi may LUGAW na, may TOYS pa! Walang drama, walang kembo —Nutribun is love, Nutribun is life! Dahil ang tunay na “Marcos magic” — hindi lang sa infrastructure, kundi pati sa nutrisyon ng ating kabataan!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page