top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Basta enjoy sa ginagawa… KC, WA' PAKI SA BASHERS, TULOY SA PAGBUBUYANGYANG NG BOOBS

BULGAR
May 2, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | May 02, 2021




Tila malapit nang lumipat sa titirhang bahay si KC Concepcion. Nasa IG Stories nito ang mga gamit sa condo na naka-kahon na at ang sabi, “Third batch of items on the door and into my new place.”


Sa interview kay KC sa Grateful Tuesdays ni chemist Pinky Tobiano, nabanggit ni KC na “Hinahanda ko na ‘yung bigas, hinanda ko na ‘yung mga kandila ko, ‘yung mga prayers, mga pagkain, dahil ‘yan daw po ang unang beses na ipinapasok ‘pag naglilipat.”


Nilinaw ni KC na hindi niya binili ang bahay na kanyang lilipatan at ang sabi lang, new house at new blessings sa kanya. Ipinaalala nitong 18 years na siyang nagko-condo mula pa noong mag-aral siya sa Paris.


Naisip daw niya na ngayong pandemic, kailangang magkaroon ng pagbabago sa buhay niya at kasama sa mga changes ang paglipat ng bahay.


Pansin namin, dedma na si KC sa mga bashers na laging may nega comment kapag nagpo-post siya nang naka-swimsuit o kaya’y may pasilip ng kanyang boobs, kahit ang ibang sinasabi ay kadema-demanda.


Ayun, nakaka-dalawang swimsuit posts na siya na ipinagngingitngit ng mga bashers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page