top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

Baron at Richard, out! CARLO AT JUDAY, PASOK DAW SA INCOGNITO 2

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 5, 2026



SHEET - CARLO AT JUDAY, PASOK DAW SA INCOGNITO 2-IG _jose_liwanag & _officialjudayph

Photo: IG _jose_liwanag & _officialjudayph



Kasama na pala si Carlo Aquino sa Incognito 2

May kumalat na video mula sa airport ng Tawi-Tawi kasama ang grupo na magte-taping ng nasabing serye na ipapalabas ngayong 2026.


Gagampanan kaya niya ang tulad ng karakter ni Baron Geisler bilang sniper at doktor ng grupo dahil importanteng may kasama silang may alam sa medisina kapag may aksidente?


O ang karakter ni Richard Gutierrez bilang dating miyembro ng military na gustong ituwid ang mga katiwalian sa gobyerno? O, baka naman pain siya?


Nabanggit namin sina Richard at Baron dahil ang tsika sa amin ay hindi na kabilang sina JB (Richard) at Miguel Tecson o Jaguar sa sequel ng Incognito.


Bukod-tanging sina Daniel Padilla, Kaila Estrada, Maris Racal, Anthony Jennings at Ian Veneracion ang natira sa original cast na sasamahan ni Carlo.


Trulili rin kaya na kasama si Judy Ann Santos sa Incognito 2


Bagama’t wala pa kaming nakikitang larawan o video na kasama ang aktres at hindi pa namin ito makumpirma dahil walang resibo, naringgan namin ang taga-production na ka-join si Juday at kung ano ang karakter niya.


In fairness, nag-aral si Juday ng martial arts kaya pasok siya kung anuman ang karakter niya rito.


Going back to Richard, nanghinayang kami kung bakit hindi na siya ka-join sa sequel ng Incognito gayung hindi naman siya namatay sa kuwento. 


Ang ibinigay na dahilan sa amin ay,

“May Blood vs. Duty (BVD) kasi s’ya. Nagte-taping na s’ya nang mabuo ang Incognito at ‘di na rin mahahabol kasi nag-abot,” katwiran ng taga-ABS-CBN.


Inakala naman namin na may kakambal si Baron bilang si Miguel Tecson kaya umasa rin kaming kasama siya sa Part 2, pero wala na rin pala siya.


Excited kami sa Incognito 2 dahil isa ito sa talagang mga inabangan namin gabi-gabi sa Netflix nang walang sablay.





NAGPAABOT ng puspusang pasasalamat sina Kathryn Bernardo at James Reid sa mainit na pagtangkilik ng manonood sa loob at labas ng Pilipinas para sa kanilang comeback seryeng Someone, Someday (SS) kasama si Maja Salvador, matapos itong manatiling nangungunang serye sa Netflix Philippines at makapasok din sa listahan ng Top 10 most-watched TV shows sa Singapore at Malaysia kasabay ng premiere nito.


“We are very grateful sa lahat ng Kapamilyas natin na sumubaybay not just on Netflix in the Philippines but also sa iba’t ibang parte ng mundo. I heard maganda rin ‘yung pagtanggap sa Singapore and also in Malaysia. Grabe, nakakatuwa s’ya,” sabi ni Kathryn sa panayam ng TV Patrol.


Hindi naman lubos na inakala ni James ang pagmamahal at positibong reaksiyon mula sa mga fans at sinabing, “We just want to say thank you, mga Kapamilya, for all the support, for the warm welcome for this very hot first week. Honestly, your support and the reactions exceeded my expectations, so thank you so much.”


Sa kasalukuyang takbo ng kuwento, patuloy ang imbestigasyon nina Billy (Kathryn) at Jordan (James) para matunton ang taong nag-utos kay Caloy (McCoy De Leon) sa nangyaring hacking sa LoveList dating app dahil tila gusto nilang pabagsakin si Billy. 


Samantala, unti-unting ipinapakita ni Abi (Maja) ang totoo niyang pagkatao dahil nauwi sa mapanganib na kahibangan ang paghanga niya kay Billy sa katakut-takot na panghihimasok niya sa pribadong buhay nito.


Subaybayan ang SS gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at TFC. 


Napapanood din ito 72 hours in advance sa Netflix at 48 hours in advance sa iWant.


Para makakuha ng updates sa Someone, Someday, bisitahin ang ABS-CBN website. 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook (FB), X (dating Twitter), Instagram (IG) at TikTok (TT), o bisitahin ang ABS-CBN newsroom website.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page