BARBIE, GINAYA RAW ANG HAIRSTYLE NG EX NI RICHARD NA SI SARAH
- BULGAR
- May 28, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 28, 2024

Napa-check kami sa Instagram (IG) ni Barbie Imperial dahil sabi ng mga netizens na nagko-comment sa IG ni Sarah Lahbati, ginaya ng una ang hairstyle ng huli.
Saka, limited daw ang puwedeng mag-comment sa comment box nito mula nang ma-link kay Richard Gutierrez.
In fairness kay Barbie, sa old photos niya, pareho sila ng hairstyle ni Sarah, inulit lang siguro nito ang magpagupit ng kapareho sa gupit ni Sarah. Ngayon lang napansin dahil sa isyu nila ni Richard.
‘Yung ni-limit niya ang nagko-comment sa IG niya, ayaw lang siguro nitong ma-stress sa mga hanash ng mga bashers.
Kung may bashers si Barbie, marami rin siyang mga fans na ang payo sa kanya, lalo niyang inisin ang mga bashers niya. Actually, mas apektado pa ang mga netizens sa isyu nina Richard at Barbie. Parang sila ang nasaktan at nasira ang pagsasama.
Inaway sina Richard at Barbie, lalo na’t magkasama sila sa South Korea. At kahit kasama ang mom niya, ayaw pa ring paawat ng mga bashers ni Barbie. Ang ending, ang mga fans ng ex at current (daw ni Richard) ang nag-aaway.





Comments