top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Barbie, ‘di raw kayo friends… AJ, NAGSALITA NA SA RELASYON NILA NI DIEGO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 6, 2021
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 06, 2021




Nainterbyu ng Pika-Pika YouTube Channel si AJ Raval. Sinagot ng sexy star ang mga isyung ibinabato sa kanya.


Inamin niya ang totoong namamagitan sa kanila ng boyfriend ni Barbie Imperial na si Diego Loyzaga.


Ani AJ, napanood daw niya ang interbyu ni Boy Abunda kay Barbie.


Sa panayam ni Kuya Boy kay Barbie, hinamon ng GF ni Diego na magsalita si AJ at sabihin ang totoo tungkol sa kanilang dalawa ng aktor.


Sabi pa ni Barbie sa panayam, mukhang nag-e-enjoy umano si AJ na pinag-uusapan o pinagtsitsismisan ng mga Marites at natatawag na 'kabit' kaya hindi nagsasalita tungkol sa kanila ni Diego.


Sey naman ni AJ, kaya hindi siya nagsasalita ay dahil wala siyang dapat sabihin. May ‘peace of mind’ daw siya dahil walang ginagawang masama.


Nilinaw din nito ang sinabi ni Barbie na siya ang nagpi-feed sa social media influencer na si Xian Gaza ng mga tsismis dahil magkaibigan daw ang dalawa.


Esplika ni AJ, bakit daw niya gagawin ‘yun, eh, di parang ipinahamak na rin niya ang sarili?


“Si Diego po, hindi po, never pong nanligaw si Diego sa akin. Wala po kaming naging relationship ni Diego. One time ko lang po siyang nakasama, sa set pa po ng Death of a Girlfriend. ‘Yun lang po,” paglilinaw ni AJ.


Wala rin daw katotohanan na pumupunta si Diego sa kanila sa Pampanga at wala rin daw silang koneksiyon ni Barbie.


Isang beses lang daw silang nagkita ni Barbie nang isama siya ng common friend nila sa isang event, taliwas sa sinabi ni Barbie sa interbyu na dati silang magkaibigan ni AJ dahil sa ex-BF nitong si Axel Torres na kaibigan ng una.


Sabi pa ni AJ, naiintindihan naman daw niya ang pinanggagalingan ni Barbie dahil na-provoke lamang ito. Kaya, wala raw siyang galit sa girlfriend ni Diego.


Nagpaliwanag din si AJ sa post niyang "her man."


Wika ng anak ni Jeric Raval, “Ano lang po ‘yun, for fun lang po. Kasi natawa lang po ako.


Hindi lang naman po si Barbie ‘yung nagagalit sa akin na babae ngayon, iba-ibang babae.


So, ipinost ko po ‘yun. Hindi naman po diretso sa kanya. Lahat po ng ganitong sitwasyon na nagagalit sa akin ‘yung mga babae. Ang dami po talaga. Ang dami pong babaeng galit na galit sa akin kaya ipinost ko po ‘yun.”


Hangad ni AJ na magkaayos na sina Diego at Barbie.


Nitong Sabado (Dec. 4), may bagong post ang sexy actress sa kanyang FB account.


“Last statement about all the issue, I’ll stop clearing my name in front of these people who spread false rumors and lies, it’s a waste of time. Just let people think whatever they want to think. I don’t have to win every situation to prove my worth."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page