top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

BARBIE AT DAVID, TODO-HOLDING HANDS KAHIT 'DI NA KASAMA SA EKSENA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 13, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | October 13, 2023



May kumalat na holding hands video nina Barbie Forteza at David Licauco at ang tanong ng mga fans, sa eksena raw ba 'yun sa Maging Sino Ka Man o off-cam?


Kung parte man ng eksena ang pagho-holding hands ng dalawa, bakit sa blocking pa lang at nakikinig pa lang sila sa instructions, magka-holding hands na?


Pati ‘yung video na nakahawak si Barbie sa likod ni David, inaalam ng fans kung kasama sa eksena. Nakikita naman nilang may nagbibigay ng instructions sa kanila, kaya malamang, kasama nga 'yun.


Ang hindi kasama sa eksena ay ‘yung magkatabi sina David at Barbie at nakaakbay ang una sa huli dahil mukhang may binabati sila at kumaway pa.


Ah, basta, kasama man sa eksena o hindi, kinikilig pa rin ang BarDa fans at may napanood pa kaming video na naka-focus lang sa holding hands nina Barbie at David.


Isa pang tanong ng mga fans, bakit daw sa Ultra Mega Expo 2023, magka-holding hands din sina Barbie at David at sobra rin silang sweet? Hindi naman daw ‘yun taping at guest performers sila at habang nagdu-duet, nakaakbay sa isa’t isa?


Wala raw kaming maisagot, manood na lang kayo ng Maging Sino Ka Man na more than three weeks na lang yata at magtatapos na.


Mahal lang talaga ng BarDa fans sina Barbie at David dahil may pa-coffee truck na naman sila sa taping at hindi na lang kape ang isinerve, pati dark chocolate at pink drink.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page