Banned na raw, fake news naman… PIA, RUMAMPA SA MILAN FASHION WEEK
- BULGAR
- Feb 28
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 27, 2025
Fake news naman pala ang balitang banned si Pia Wurtzbach sa mga fashion week dahil wala siya sa Paris Fashion Week at inakalang wala rin siya sa Milan Fashion Week.
Pero, sa PFW lang pala siya absent at sinabi naman nito na skip muna siya sa January at may mga inasikaso siguro.
After the Bulgari event in Cambodia, lumipad na si Pia pa-Milan at rumarampa na nga ito sa MFW. Nag-post na ito ng photos at may caption na: “Who’s ready for @milanfashionweek? With my baguette in tow, I know I am.”
Sinundan ito ng isa pang post na may caption na: “Baby, we’re back it’s nice to see the Duomo again. It always gives me the feel.”
Masaya ang mga fans ni Pia na nasa MFW siya at mapatunayan na hindi siya banned gaya ng mga naunang balita.
Mga comments na, “The queen is back,” “Fresh and glowing,” “Puksaan na sa Milan,” “Rumesbak ang queen,” “Rampahan na,” ang ilan sa mga mababasa.
In fairness, maingay man o maintriga, masaya kapag nag-iingay ang mga fans nina Pia at Heart Evangelista. Sana lang, walang personalan, katuwaan lang at sana, pagkatapos ng MFW, tapos na ang bardagulan.
SA pagbisita ni Robi Domingo sa National Bureau of Investigation para magtanong, siguro ay para ito sa plano niyang mag-file ng cyberlibel case sa nagbanta sa kanya sa social media.
Nagbanta ang nagpakilalang fan ni Belle Mariano na iba-bash siya mula ulo hanggang paa kapag kanyang iminatch sina Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo.
Nagtanong noon si Robi kung puwede siyang mag-take ng legal actions at nag-trending pa ang hashtag na #SueThatTroll para mabigyan ng leksiyon dahil pati si Belle, nadamay.
Nasama si Belle sa galit naman ng fans ni Kathryn dahil nga ginagawan daw ng isyu sina Kathryn at Donny na jurors sa Pilipinas Got Talent (PGT).
Sa pagpunta nga ni Robi sa NBI, malalamang maraming celebrities ang pabor sa kanyang ginawa sakaling magdemanda nga ang TV host. Comment ni Bianca Gonzalez, “Go Rob!!!”
Sabi naman ni Iza Calzado, “Nakatutok kami from all over the world! Go, Robi!”
May mga nag-comment din na sana, magdemanda rin sina Kathryn, Donny, Belle, Janine Gutierrez at Alden Richards na grabe ang bashings na nakukuha sa mga bashers.
Lahat na raw ng pamba-bash kay Alden, ginawa, kaya ang payo nila rito, gayahin si Robi at magdemanda na.
Actually, maraming celebrities ang nakakaranas ng grabeng bashing.
Samantala, sabi ni Robi, “BTW, I didn’t delete the comment the troll made. It was him/her who removed it from the comment section thus deleting the whole thread. (Also, it may become additional proof of intent because of malice).”
KABILANG sa mga Jukebosses ng Sing Galing (SG) sina Jessa Zaragoza at Vehnee Saturno. Si Jessa, comebacking at si Vehnee naman ay ngayon lang mapapasama bilang Jukeboss. Silang dalawa at iba pang Jukebosses ang pipili ng winner sa end ng contest at excited na sila sa mangyayari.
Si Vehnee, excited maka-discover ng may kakaibang boses na igagawa niya ng kanta at tutulungang mapasikat. Ganu’n din si Jessa na naniniwalang marami pang undiscovered talent ang bansa at kailangan lang lumabas at matulungan.
Nabanggit din ni Jessa ang, “Ito talaga ‘yung show na nakakatuwa kasi walang nega. Walang superiority complex sa mga magkakasama. So, parang ano talaga, magkakapatid. Kaya very smooth naman ‘yung aming relationship sa bawat isa.”
Ramdam nga ang closeness ng mga magkakasama sa show, pati ang mga Sing Masters na sina Randy Santiago, Donita Nose at K Brosas. Parang totoo ang sinabi ni K na masaya sila sa taping at pamilya na ang turingan sa isa’t isa.
Pinuri naman ni Randy ang sipag ng mga kasama sa SG sa pagpo-promote ng kanilang singing talent search na magsisimula na bukas, March 1, 5:45 PM sa TV5. Wala raw pagod na mag-guest ang mga kasama sa mga shows ng TV5.
“Maingay ang Sing Galing, sana panoorin at suportahan,” wika ni Randy.
Comentarios