top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 27, 2025





Fake news naman pala ang balitang banned si Pia Wurtzbach sa mga fashion week dahil wala siya sa Paris Fashion Week at inakalang wala rin siya sa Milan Fashion Week. 

Pero, sa PFW lang pala siya absent at sinabi naman nito na skip muna siya sa January at may mga inasikaso siguro.


After the Bulgari event in Cambodia, lumipad na si Pia pa-Milan at rumarampa na nga ito sa MFW. Nag-post na ito ng photos at may caption na: “Who’s ready for @milanfashionweek? With my baguette in tow, I know I am.” 


Sinundan ito ng isa pang post na may caption na: “Baby, we’re back it’s nice to see the Duomo again. It always gives me the feel.”


Masaya ang mga fans ni Pia na nasa MFW siya at mapatunayan na hindi siya banned gaya ng mga naunang balita. 


Mga comments na, “The queen is back,” “Fresh and glowing,” “Puksaan na sa Milan,” “Rumesbak ang queen,” “Rampahan na,” ang ilan sa mga mababasa.


In fairness, maingay man o maintriga, masaya kapag nag-iingay ang mga fans nina Pia at Heart Evangelista. Sana lang, walang personalan, katuwaan lang at sana, pagkatapos ng MFW, tapos na ang bardagulan.



SA pagbisita ni Robi Domingo sa National Bureau of Investigation para magtanong, siguro ay para ito sa plano niyang mag-file ng cyberlibel case sa nagbanta sa kanya sa social media.


Nagbanta ang nagpakilalang fan ni Belle Mariano na iba-bash siya mula ulo hanggang paa kapag kanyang iminatch sina Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo.


Nagtanong noon si Robi kung puwede siyang mag-take ng legal actions at nag-trending pa ang hashtag na #SueThatTroll para mabigyan ng leksiyon dahil pati si Belle, nadamay. 


Nasama si Belle sa galit naman ng fans ni Kathryn dahil nga ginagawan daw ng isyu sina Kathryn at Donny na jurors sa Pilipinas Got Talent (PGT).


Sa pagpunta nga ni Robi sa NBI, malalamang maraming celebrities ang pabor sa kanyang ginawa sakaling magdemanda nga ang TV host. Comment ni Bianca Gonzalez, “Go Rob!!!” 


Sabi naman ni Iza Calzado, “Nakatutok kami from all over the world! Go, Robi!”

May mga nag-comment din na sana, magdemanda rin sina Kathryn, Donny, Belle, Janine Gutierrez at Alden Richards na grabe ang bashings na nakukuha sa mga bashers. 


Lahat na raw ng pamba-bash kay Alden, ginawa, kaya ang payo nila rito, gayahin si Robi at magdemanda na. 


Actually, maraming celebrities ang nakakaranas ng grabeng bashing.

Samantala, sabi ni Robi, “BTW, I didn’t delete the comment the troll made. It was him/her who removed it from the comment section thus deleting the whole thread. (Also, it may become additional proof of intent because of malice).”



KABILANG sa mga Jukebosses ng Sing Galing (SG) sina Jessa Zaragoza at Vehnee Saturno. Si Jessa, comebacking at si Vehnee naman ay ngayon lang mapapasama bilang Jukeboss. Silang dalawa at iba pang Jukebosses ang pipili ng winner sa end ng contest at excited na sila sa mangyayari.


Si Vehnee, excited maka-discover ng may kakaibang boses na igagawa niya ng kanta at tutulungang mapasikat. Ganu’n din si Jessa na naniniwalang marami pang undiscovered talent ang bansa at kailangan lang lumabas at matulungan.


Nabanggit din ni Jessa ang, “Ito talaga ‘yung show na nakakatuwa kasi walang nega. Walang superiority complex sa mga magkakasama. So, parang ano talaga, magkakapatid. Kaya very smooth naman ‘yung aming relationship sa bawat isa.”


Ramdam nga ang closeness ng mga magkakasama sa show, pati ang mga Sing Masters na sina Randy Santiago, Donita Nose at K Brosas. Parang totoo ang sinabi ni K na masaya sila sa taping at pamilya na ang turingan sa isa’t isa.


Pinuri naman ni Randy ang sipag ng mga kasama sa SG sa pagpo-promote ng kanilang singing talent search na magsisimula na bukas, March 1, 5:45 PM sa TV5. Wala raw pagod na mag-guest ang mga kasama sa mga shows ng TV5.


“Maingay ang Sing Galing, sana panoorin at suportahan,” wika ni Randy.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 24, 2025





May tumawag na “patola” kay Alden Richards dahil sa post sa Instagram ng quotation card na: “Food for thought: Mind your own business...”  


Agad namang ipinagtanggol ang aktor hindi lang ng kanyang mga fans kundi pati ng casual fans na nakabasa ng kanyang post.


Mali raw na tawaging ‘patola’ si Alden dahil sa dami ng mga bashings at hanash sa kanya, hindi ito nagre-react. Ngayon lang siya nag-post na obviously, may mga tinamaan dahil may mga nag-react. Hindi pa nga raw alam kung ano ang tinukoy ni Alden sa post niyang ito, may mga umalma na.


May nag-akalang ang post na ito ni Alden ay patungkol sa isyung hindi niya itinuloy ang panliligaw kay Kathryn Bernardo. Sabi naman ng fans ng aktor, wala itong inamin na nililigawan niya si Kathryn o hindi lang natin alam.


Anyway, kung para saan at kung para kanino man ang post na ito ni Alden, tuloy pa rin ang buhay sa kanya. Tuloy ang pagiging producer at ipinromote na ang talent search na Be the NEXT: 9 Dreamers hosted by Sandara Park at airing sa TV5. Co-producer ang Myriad Corporation ng aktor ng nasabing show.



Nag-trending sa X (dating Twitter) ang hashtag na #SueThatTroll na para raw kay Robi Domingo dahil nagtanong kung puwede siyang mag-take ng legal action sa diumano’y fan ni Belle Mariano na pinagbantaan siya. Ang payo sa kanya ng mga fans ni Belle, idemanda ang troll account na nagbanta sa kanya.


May mga comments ang mga fans ni Belle na, “Please, make an action,” at “Do us a favor and sue that troll, since na-drag ‘yung fandom ni Belle sa isyung ‘yan.” 


May nag-comment pa ng “Make your words into action,” “Linisin mo ang pangalan ni Belle Mariano,” at “Sue and expose the troll posing as a fan. Unmask that person. Not fair to Belle to have her name dragged into this,” at marami pang iba.


Deleted na sa Instagram (IG) ang post ni Robi, pero para sa mga fans ni Belle, the damage has been done dahil naba-bash na ang idol nila at pati ang fandom. Hindi na raw mababawi ang bashing kay Belle sa pagde-delete ni Robi ng kanyang post.

Naglabas ng statement ang mga fans ni Belle kung saan sinabing troll account ang ni-reply-an ni Robi. Nagpapanggap daw na fan ni Belle to spread negativity na hindi nila sinusuportahan.


Sa third paragraph ng statement, nakasulat ang:


“True fans of Belle Mariano understand the importance of respect and unity. We take pride in uplifting not only Belle but also the entire entertainment community, recognizing that every artist deserves appreciation and recognition for their hard work.


“We encourage everyone to uphold these values by fostering a safe, inclusive, and supportive space, both online and offline.”



IPINOST ni Pia Wurtzbach ang photo ng kanyang glam team and as expected, nagbardagulan na naman ang mga supporters nina Pia at Heart Evangelista. 


Ilang photos lang ng kanyang glam team ang ipinost ni Pia at “Here’s a little BTS with the team before experiencing #BulgariAeterna up-close” lang ang part ng caption ni Pia, pinagsimulan na naman ng bardagulan. 


Nakakatuwang basahin ang palitan ng comment ng mga fans ni Pia at fans ni Heart, talagang hindi sila nauubusan ng ibabato sa magkabilang kampo. 


Nakapagpahinga sila sandali dahil wala si Pia sa Paris Fashion Week, but by posting her glam team, nagsimula na naman ang away ng dalawang kampo.


Nasa bansa pala si Pia after ng Bvlgari event sa Cambodia, wala siya sa pa-birthday bash ng Belo sa January at February birthday celebrators. 


Kung nagkataong nasa bansa, siguradong nag-enjoy si Pia Wurtzbach at marami siyang mami-meet na kapwa niya Belo ambassadors.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page